"Kailan ka ba titino ha? Kailangan next year honor ka na!" kanina pa nanggagalaiti sa galit ang papa ni Jay. Pero sa halip na sagutin niya ang papa niya inirapan niya lang ito atsaka nagwalk out.Kasalanan niyo kung bakit ako naging ganito. sa isip niya. Lumabas siya ng bahay at sumakay sa motor niya at agad niya itong pinaharurot.
Jayden Salvador isang matalino, mabait at masayahing bata na walang ibang ginawa kundi ang magpatawa at gumawa ng kalokohan sa nakakatuwang paraan. Pero dati yun. Iba na siya ngayon. Nagiba ang lahat ng malaman niya ang katutuhanang hindi mahal magulang niya ang isa't isa. Pinakasal ang mama niya sa papa niya ng sapilitan. Kaya ang ginawa niya nagrebelde siya at halos bagsak lahat ng subject niya. Okay lang naman sakanya yan dahil wala namang pakialam sakanya ang magulang niya. Sabi pa nga ng magulang niya na wala siyang kwenta kaya patutunayan niya nalang.
"Ang talino mo talaga dude." proud na proud na sabi ng kaibigan niya at binigyan siya ng Brohug. Kasakukuyang may party n nagaganap sa bahay ni Kris dahil sa pagiging Rank Number 1 sa kanilang batch.
"Di naman. Sige salamat mga dude sa pagpunta sa party ko. Siya nga pala may babalikan muna ako sa school." paalam niya sa mga kaibigan niya at tinakbo ang daan patungo sa garahe nila. Sumakay siya sa kotse niya at agad na pinatakbo ang kotse niya.
Siya naman si Kris Wu sa unang tingin mo palang sakanya masasabi mo na agad na suplado siya at masama ang ugali dahil sa dating niya. At Oo tama nga ang paningin niyo pero hindi sa lahat ng oras ganyan siya dahil may maganda naman siyang side na minsan lang niya pinapakita at isa siya sa mga deans lister.
Dahil sa bilis ng takbo ni Jay di niya namalayang may makakasalubong pala siyang isang kotse at muntik na silang buti nalang at agad na naitumba ni Jay ang motor niya sa kalsada kung hindi matitigok siguro silang dalawa.
Di agad nakatayo si Jay dahil medyo naipit ang binte niya sa motor at nakaupo lang siya sa sobrang sakit buti nalang talaga at naka jeans siya kung hindi puro galos ang inabot niya.
Dali dali namang bumaba ng kotse si Kris at nilapitan so Jay na nananatili paring nakaupo. Nilapitan siya ni Kris at tinayo nita ang motor ni Jay na nakadagan sa binte niya. Hahawakan sana ni Kris si Jay ng bigla nitong tampalin ang kamay niya. Tumingala si Jay na may luha na sa mga mata nito."Ba't ba lage niyo nalang akong sinasaktan mga put*ng in* kayo! Shet!" sigaw ni Jay na halatang nasasaktan ito. "Tutunganga ka lang ba dyan at wala kang balak na tulungan akong makatayo?" sigaw niya ulit. Napukaw naman galing sa pagkakagulat si Kris at agad na tinulungan si Jay. Ng makatayo na ito iniwaksi niya ang pagkakahawak ni Kris at siya na mismo ang nagtayo ng motor . Di niya pinansin ang sakit ng binte niya. Agad siyang umangkas sa motor. Binuksan niya na ang makina at papatakbuhin na niya sana ito ng biglang nagsalita ang binata.
"Teka lang miss. Ayos ka na ba?"
Tinaasan siya ng kilay nito sabay sabi. "Ano sa tingin mo? Try mo kayang magpaipit sa motor ang sarap sa feeling nun eh. SOBRA!"
"Wala ka bang balak magpasalamat?" tanong ni Kris at nilapitan si Jay. "Im Kris Wu. You are?"
"Thanks but no thanks. At alam mo di ko tinatanong ang pangalan mo ha!" bumaba siya sa pagkakaangkas sa motor niya at nilapitan si Kris atska inambagan ng suntok sa tiyan.
"Salamat Kris." malambing na sabi nito sa binatang namimilipit sa sakit.Di naman papayag si Kris na basta-bastahin lang siya. Itinulak niya ang dalaga dahilan para masubsob ito sa daan. Kinuha naman ni Kris ang pagkakataon. Umangkas siya sa motor ng dalaga at bago pa man niya ito paandarin may sinabi pa siya na mas lalong nagpapainis kay Jay.
"Oh pano ba yan sakin parin ang huling halakhak. Talunan!"
Di agad nakapagreact ang dalaga huli na ng bumalik siya sa realidad dahil nakaalis na si Kris at di na niya ito matanaw. Imbes na inis ang maramdaman niya napaupo nalang siya sa daan sa kakatawa.
"Ungas! Malapit ng mawalan ng hangin yung gulong nun eh Woah! Sakanya na yung motor kung malapit ng mawalan ng gas! Woah party party! May bago na naman akong kotse!"
Di makapaniwala si Jay sa nangyari dahil imbes na magalburoto siya sa galit dahil natangay ang motor niya pero mas lalo pa siyang natuwa dahil naiwan pala ng binata ang wallet niya sa kotse.
"Sino ang talunan ngayon?" mahinang sambit ni Jay sa sarili at pinaharurot na ng takbo ang kotse.
Anong kayang susunod na mangyayari kapag nagtagpo ulit ang landas ng dalawa?
Sino ang matatawag na talunan?
Pero paano kaya kung mahulog sila sa isa't isa...
![](https://img.wattpad.com/cover/64593944-288-k666414.jpg)