"Wala ka namang sapak sa ulo para gawin to diba?" Tanong ni Lance habang inaayos ko ang wig na gagamitin ko. "Buti't patpatin yang katawan mo kaya Hindi ka ganon kahalata." Komento pa nya.
Sinamaan ko sya ng tingin bago ilagay ang salamin na walang grado sa mata ko. "Makinis at maputi ka din atsaka yung shape naman ng mukha mo pambabae na talaga. Nakakainggit naman." Isa pang gagong si Xander na tinadyakan dahil nasa likod ko lang sya.
"Mas okay na yan para ikaw naman matigang sa kagwapuhan ko!" Singit pa ng napaka gagong si Ken na binigwasan ko naman.
"Ulul ka. Baka matigang kamo dala nyang nakakasuka mong pagmumukha." Mga gunggong to. Seryoso yung tao sa ginagawa,ginagago pa.
"Hep hep! Hindi ganyan ang tamang kilos ng babae! Yung boses mo pala pre pano yan?"
"May binigay sa akin si Shine na pampaliit ng boses ko,papasok yun ngayon dito para ayusan ako kaya magsilayas na kayo." Balewala kong sagot at sakto namang bumukas ang pinto kaya sabay sabay kaming napalingon.
"Hello little sister!"
"Pfft."
Tinignan ko ng masama si Seth na kasama ng kapatid ko. Pusang gala,mamamatay ako sa hiya nito.
"Magsilayas na nga kayo mga gunggong!"
"Aba! Hindi mo man lang feel na supportive friends kami kaya kami nandito? Nakakasakit na,man!" Sabi ni Ken habang nakahawak sa dibdib nya na animo'y nasasaktan talaga. Sira ulo talaga.
Magsisimula na sana ang world war II ng sumigaw na si Ate. "Okay boys! I appreciated it naman kaya lang kailangan ko pang ayusin ang little sister ko,okay? So,get out na. Shoo shoo."
Sabay sabay silang napakamot ng ulo bago lumabas ng kwarto ni Ate. Hinila naman nya ako at dinala sa tapat ng salamin na puro make up at kung anu-ano pa. Walanjo,ayan na. Katapusan na ng isang Shawn Dela Cruz.
Matagal tagal din nya akong inayusan. Una,dahil mahirap akong ayusan kasi lalaki nga,pangalawa dahil napakalikot ko daw at ang pangatlo. Lipstick.
Mga kalahating oras pa bago ako magpalagay. Ang sabi pa nya nga, "Nalalagyan na nga yang bunganga mo kapag nakikipaghalikan ka sa mga babae mo tapos nag-iinarte ka ngayon?" Ang bangis talaga ng kapatid ko.
At mabuti na nga lang talaga hindi ganun kalaki ang katawan ko,nag-wo work palang ako sa abs kaya hindi ganun kahalata,hindi rin ako balbon at tama si Xander, hugis babae ang korte ng mukha ko. In short,parang si Ate Shine lang din ang bagsak ko."Ohmygolly!"
Binuksan ko na ang mga nakapikit kong mata at miski ako ay nagulat din. Bullshit!Ako ba talaga to?
"Now,eat this para maging girl voice ka na at perfect na ang lahat! Ohemgee! Ang ganda mo brother! You're better than me!"
Nagdadalawang isip pa ako bago inumin ito. "Don't speak muna. Mga 10 minutes pa bago umefective yan."
I nodded. For the sake of my reason. I can do this.
BINABASA MO ANG
He's a Girl, but He's Totally a Guy
HumorIsang napakagwapong lalaki si Shawn. Matikas ang pangangatawan,matalino,masipag at gwapo ulit. Ang kaso nga lang, likas na Playboy. Maraming kababaihan ang nahuhumaling sa kanya kahit na alam na nila ang title nito. But what if he turns to a beauti...