† 3.1 †

12 0 2
                                    


"Oh? Ba't ka nag-ditch ng class?"

Halos mapatalon ako sa gulat ng may nagsalita sa likod ko. Lumingon ako at nakita si Mish na nagbabasa ng isang anime book na di man lang tumitingin sa akin.Parang kabute naman ang isang to.Dumiretso ako sa kama ko at nilapag ang sobreng binigay sa akin ni Jin sa side table.Hinayaan kong bumagsak ang katawan ko sa kama at napahilamos palad.Bwisit naman oh!

"Problem?"

"Wala-wala." Pagtanggi ko. Bumangon ako at naupo sa gilid ng kama. "Nakakaloko lang talaga dito sa school nyo,alam mo ba yon?" Buntong hininga ko.

Natawa naman sya ng mahina at nilapag ang kanyang binabasa sa kama nya. "At first,you will feel weird because of what they'd acted. But sooner or later,maiisip mo na lang na ganun ka rin pala." Aniya at ngumiti ng malapad na parang may biglang pumasok sa kanyang isipan.

"Hugot ba yan?" Tanging tanong ko na mas nagpatawa sa kanya ng malakas. Maganda sana sya kung tatanggalin lang nya yung salamin nya but well,it suits her.

"Hugot agad? Hindi ba pwedeng may half meant lang?" Natatawa pa rin nyang sabi hanggang sa tumigil sya at unti-unting napangiti ng malungkot na ipinagtaka ko. "But half meant means nothing. You can say that every words has meant into more than one. But they are wrong. So wrong."

Sa pagkakasabi nya non,may isang katanungan ang namuo sa isipan ko. Isang tanong na gusto kong sabihin ngunit hindi pa handa ang damdamin ko. Kaya mas pinili kong sarilihin ang tanong na iyon. Ngunit namayani ang katahimikan kaya hindi ko na mapigilan itanong ito...




"Naka-bra ka ba?" Nag-aalinlangan kong tanong.

Nakakunot noo syang tumingin sa akin at sa parteng iyon at lumagapak ng tawa. "Anong klaseng tanong yan? Malamang hindi!"

Bigla akong napalunok kasabay ng pagkabuhay ng aking bata. Tukso naman oh! Umiwas ako ng tingin at muling nahiga sa kama. "Mag bra ka nga.Bakat eh."  Sabi ko at nagtalukbong ng kumot.

Natawa naman sya ngunit hindi pa rin ako lumilingon sa kanya. Baka kung ano pang magawa ko sakali. Patayin pa ako ni Ate pagnalaman nya,takot ko ps dun. "Why? Parehas naman tayong babae at naiinitan ako."

"Gawin mo na lang." Sabi ko at tumalikod. Kasi kapag hindi,may gagawin talaga ako.

He's a Girl, but He's Totally a GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon