"Aren't you Shawn Dela Cruz sister?"
Napamaang ako bigla sa tanong nya. Hooo! Para san yon? Naiilang na ngumiti ako sa kaniya bago tumango at umiwas ng tingin. H'wag mong sabihin na isa siya sa mga nabiktima ko? Umiling ako bigla. Hindi naman siguro.
"Omg! So its true nga! I thought chismis lang na nag-transfer ang kapatid ni Prince Shawn here. So,how was he now? I heard he dropped out from his school. If you don't mind but what happened to him?" Nag-aalala niyang tanong. Kilala ko ba to? A question came in my mind.
Ngumiti na lang ulit ako sa kanya at tumango. "He's doing fine. And as far as I remember, he's doing great." Ay pisti. San ko nakuha yung ingles na yun?
She nodded. "Oh." Wala sa sarili niyang sabi. Isang nakakasilaw na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi at kumapit muli sa braso ko sa pangalawang pagkakataon. "If you don't mind again,can you please na ipakilala mo ako sa kaniya?" She begged and forward.Napaurong naman ako ng ulo.
"Okay. Pasado ka na." Wala sa sariling tugon ko.
Nagningning ang mga mata sa sinabi ko at napatili dahilan para bumalik ako sa realidad. "O.Em.Geee! Aasahan ko yan girl ha! Anyway I gotta go na. Ciao!"
Nang makaalis na sya ay napahilamos ako ng mukha. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at humalumbaba. "Paasa ka talaga Shawn." Sabi ko sa sarili ko.
"Kapatid mo pala yung lalaking 'yon?"
Nabaling ang atensyon ko sa lalaking katabi ko at tinaasan ng kilay.Kung makapagsalita ang isang to parang may atraso ako sa kanya ah. "Eh ano naman?"
"Sya pala yung dahilan."
Hindi ko maiwasang mapakunot ng noo at panliitan sya ng mata sa sinabi nya. "Anong ibig mong sabihin."
Umayos sya ng upo at sinalubong ang tingin ko. "Sya yung dahilan kung bakit nagkalabuan at muntik ng maghiwalayan kami ni Jazz.'Yang kapatid mo ang dahilan kung bakit ganito ang sitwasyon ni Jazz." May galit niyang sambit na ipinagtakha ko.
BINABASA MO ANG
He's a Girl, but He's Totally a Guy
HumorIsang napakagwapong lalaki si Shawn. Matikas ang pangangatawan,matalino,masipag at gwapo ulit. Ang kaso nga lang, likas na Playboy. Maraming kababaihan ang nahuhumaling sa kanya kahit na alam na nila ang title nito. But what if he turns to a beauti...