Naupo na silang tatlo habang ako ay nanatiling nakatayo sa harapan,naghahanap kasi ako ng pwedeng maupuan.Wala ng bakante sa upuan nilang tatlo bukod dun sa lalaking nasa dulo malapit sa bintana at nakapalumbaba habang may nakasalampak na earphones sa tenga nya't malayo ang tingin.Nagkibit-balikat ako bago maglakad patungo sa direksyon na iyon at naupo sa tabi niya.Lumingon sya sa akin at tinanggal ang earphones sa tenga nya bago ako pinakatitigan. "What do you think you're doing,Young lady?"
Aba-aba. Ingles ang trip ng isang ito.Pwes,hindi kita masasakyan kaya mananahimik nalang ako kaysa dumugo pa ilong ko.Nilibot ko naman ang tingin ko ng mapansin kong ang daming matang nakamasid sa direksyon ko.
Alam kong gwapo pa din ako kahit ganito kaya bakit pang kailangan pa ng ganyang mga tingin? Nakarininig ako ng ilang negatibong bulungan lalo na sa mga babae na nagpakunot ng noo ko. Ah.Alam ko na yung feeling na akala nila inaagawan sila.Isip isip ko kaya ngumiti ako ng pagkatamis tamis sa lalaking ka-shit mate ko bago sumagot. "Wala na kasi akong maupuan,so okay lang ba na dito muna ako?" Nakaka-gago lang dahil ako na ang may ganang gumawa nito kaysa sa mga ibang kababaihan dyan na halos magpatayan sa harapan ko maging seatmate lang ang isang Shawn Dela Cruz sa room. Nakakababa ng pride talaga 'yon.
"No."
Muntik na kong mapatayo sa kinauupuan ko at sapakin ang hinayupak na ito. Matapang! Sarap banatan sa labas! At sa hindi malamang dahilan ay nagpapasalamat ako na sumingit si Queenie sa usapan. "Hey Marky! Let her na nga! And besides,wala rin namang nakaupo dyan FYI. So can you please quite na lang and respect her coz she's the new? Please?" Ang cute talaga nitong babaeng to. Kung hindi ako nakaganito magiging girlfriend ko din to,kaso di ko pala type ugali nya. Maharas.
"Tsk." Sabi ng gunggong na katabi ko at umiwas ng tingin kay Queenie.
Dumating na ang first teacher namin sa Math at ang masasabi ko lang ay...
Wa-wenta.
Korni magturo nung lalaki. Nakaka-antok yung boses at klase ng pagturo nya kaya ilang beses akong napahikab at minsa'y pa nga ay napapapikit ako. Naglagay ako ng libro sa table na harap ko at pinatayo ito para matakpan ang ulo ko bago ko ipatong ang ulo ko sa table at naidlip.
^
"Jess?"
"Hmm?"
"Will you be my girl?"
Natawa sya ng mahina at ginulo ang buhok ko. "Of course,but not now Shawn.Aalis na ko this next week. Ayoko namang maging unfair sayo kasi mapapalayo ako and gusto ko when I came back as soon as possible na mapaaga. We will get married after one month. Is it clear?" Napangiti ako sa sinabi at dahang-dahang tumango.
BINABASA MO ANG
He's a Girl, but He's Totally a Guy
HumorIsang napakagwapong lalaki si Shawn. Matikas ang pangangatawan,matalino,masipag at gwapo ulit. Ang kaso nga lang, likas na Playboy. Maraming kababaihan ang nahuhumaling sa kanya kahit na alam na nila ang title nito. But what if he turns to a beauti...