† 1 †

52 6 11
                                    

**Shawn PoV

"Oh pre? Balita ko break na kayo ni Satana ah? Tara't uminom!"  Pag-aaya sa akin ng mokong si Ken habang nakaakbay sa akin kaya nandidiri kong inalis ito at pinagpag ang braso ko. Gago talaga,magugusot pa tong polo ko."Luh? Ang arte ng gago."

"Ulul. May date ako ngayon kaya manahimik ka dyan." Aba. Sayang din yung chix na nakilala ko kanina bago ko i-break si Satana 1 hour ago. Wala eh, Nakita akong nakipahalikan dun sa kaklase nya kaya ayun, as always, wala rin namang tumatagal sa akin pero oks lang,madami namang chix sa mundo eh kaya hindi na yan hassle para sakin.

"Nyek. Kala ko broken hearted ka,sexy pa man din ni Satana."

"Tanggala. Ako? Brokenhearted? Asa uy! Kung gusto mo sayo na yun!" Gatong ko. Pambihira,hindi naman ako nagseseryoso sa isang relasyon  hopeless romantic ang girlfriends ko. Fling lang ayos na,sapat na.

"Wag na. Baka magselos ka pa." Aba't gago talaga tong isang to!

"Pakyu!"

"Labyu too po!"

Pusang gala. Makaalis na nga bago pa man ako mandiri sa isang to.

∆∆∆∆

Pagkapasok ko sa isang restaurant na pinag usapan namin ng bago kong girlfriend na si Girlie. Nakita ko naman agad sya na nakaupo sa tapat ng glass wall habang kumakaway sa akin at may matatamis na ngiti.
Naglakad naman ako patungo sa kanya at naupo sa harap nya.

As usual sa mga nagiging gfs ko. Kwentuhan,kain,mag-lilibot,pupunta sa timezone at ang pinakahuli na gusto nila ay ang ihahatid sila sa bahay nila. Ang kaso kakaiba pala tong isang to.

"No,I insist. Ako na lang ang maghahatid sayo." Pagpupumilit nya.

"Hindi pwede,hon. Alam no bang nakakabawas sweetness yun sa akin?"   And hell no!Ayokong malaman nya kung saan ako nakatira!Niisang naging girlfriend ko eh hindi alam kung saan ako nakatira. Mamaya kasi mag-rally silang lahat at banatan ako sa bahay kaya mas mabuti na ang sigurado at pulido.

Nagmake face naman sya at nagbuntong hininga. Syete,ang cute talaga ng isang to. "Okay...but! Magdala ka ng payong. Look oh,its mukhang uulan today. Here take this."  May kinuha sya sa loob ng kotse nya at inabot ang payong sa akin. "Be careful hon ah? Ayokong magkasakit ka,okay?"  She said so I gave her a smack on the lips.

"I will. You too, drive home safely." I told and she smiled bago pumasok sa kotse nya at pinaandar ito paalis.

He's a Girl, but He's Totally a GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon