Chapter Two

48 2 0
                                        

Airah's POV

Shit! That bitch! How dare she insult me!? Mabait ako pero kapag ako iniinsulto, aba! Lintek lang ang walang ganti!

Dahil sa galit ay napalakas ko ang pagsara ng pinto sa sasakyan ni King. Mabuti nalang at hindi nalaglag ang side mirror.

He started the engine and we took off. "Hey...you okay?" awtomatiko akong napalingon sa kanya.

"No! I am not okay!" singhal ko. "Pero kung hindi mo 'ko pinigilang kalbubin ang bruhildang 'yun. Baka okay ako ngayon!" I crossed my arms at inirapan siya. Kahit na hindi niya nakita dahil nasa kalsada ang tingin niya.

"Dahil nasasaktan ka na! What do you want me to do? Hayaan kitang masaktan habang ako nakatunganga lang sa gilid?" he said calmly pero mahahalata mong may galit sa kanyang boses. Kinilig ako pero hindi nun natakpan ang galit at inis ko.

"Ano ba kasing nangyari?"

30 minutes earlier...

Biglang tumunog amg cellphone ni King. Tinignan niya ito at nangunot ang noo. "Excuse me." tumayo siya at lumabas sa resto. Mukhang importante ang tawag na 'yun dahil ayaw magpa-istorbo.

Ngayon ako nalang at ang kambing na nandito sa table. Yeah, kambing ang tawag ko sa kanya dahil salad lang naman kasi ang kinain niya. Puro damo.

"So..." napaangat ako ng tingin. "Are you his maid or what?" kumunot ang noo ko. Did I hear it right? Maid?

"Anong sabi mo?" I dropped my silverwares at binigay ko sa kanya ang buo kong atensyon.

"I asked if you're his cousin, friend, or...maid?" she smirked. Tumaas yata ang dugo ko.

What the fuck? Ako? Maid? Sa ganda 'kong 'to? Eh mas mukha pa nga siyang muchacha eh!

"Neither of the choices. I am his fiancee." nabitawan niya ang hawak na tinidor. Now it's my turn to smirk. "What?" I said still smirking.

"Are you kidding me?There's no way you can be his fiancee dahil ako ang girlfriend!" napalakas ang boses niya kaya napatingin ang mga taong malapit sa'min.

"Nu-uh. You aren't his girlfriend nor will be his fiancee. You are just his fuck buddy bitch!" I replied angrily. Kanina pa kasi ako naiirita sa kambing na'to. Kung makakapit sa braso ni King parang wala ng bukas. Kambing na nga, tuko pa. 2 in 1 ah!

Napatayo siya at nanggagalaiti sa galit habang ako poise na poise sa pagkakaupo.

Hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari. Binuhusan niya 'ko ng tubig and I was caught off guard. She took this as an advantage at marahas na hinila ang buhok ko.

Aba syempre hindi ako magpapatalo. Sinabunutan ko rin siya at mas dinoble ko ang lakas.

"You bitch!"

"Pathetic slut!"

Napahiga na siya sa sahig and I straddled her. Pinagtitinginan na kami pero wala akong pakialam. Ang gusto ko makalbo ang babaitang 'to! Ang kapal ng mukha niya para sabihing maid ako! Heck!

At doon na pumasok si King sa eksena para paglayuin kami.

"Did you just say na fiancee kita?" parang bula yata na naglaho ang galit ko at pinalitan ng pagkahiya. Ramdam ko ang pamumula ng magkabila kong pisngi.

Aish! Bakit ko ba sinabi 'yun? Nadala lang naman ako eh! Kasalan 'to ng bruhildang 'yun.

"Ahmm...kasi naman...I..." hindi ko na napigilan at napatakip nalang ako ng mukha. Shit! Nagkanda-utal-utal pa'ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni King. "You're really cute when you're blushing."

"I am not blushing!" napatutop ako ng bibig. Kailangan talaga sumigaw? Napaghahalataan tuloy na ang defensive ko.

Nag red light kaya tumingin siya sa'kin. He grinned at 'yung mga mata niya, parang nagsasabing "Kinikilig ka noh?"

Napatingin ako sa ibang deriksyon. Bwesit! Mas namula pa tuloy ako.

"Ang cute talaga." he pinched my left cheek. "Ouch!" napahawak ako rito at hinimas. Tssk. Nag green light na ulit kaya pinatakbo niya ang kotse.

Wait lang! Ngayon ko lang napansin na ibang daan pala ang tinatahak namin. Hindi 'to papuntang hospital at hindi rin papunta sa condo unit ko.

"Pumpkin?"

"Hmm?"

"Where are we going?" I asked

"Akala ko hindi mo na tatanungin eh. We'll have our date." lumingon siya sa'kin at nginitian ako. Buti nalang at hindi nalusaw ang puso ko.

Pero ano daw?

"Date?" I tried my best to sound casual pero deep inside nagtatalon na ang mga organs ko dahil sa kilig.

"Yes. Diba engage na tayo?" napa-aahh nalang ako. So ka-career-in talaga namin 'yun?

"Kailangan nating panindigan ang sinabi mo dahil nasa balita na 'yun." nangunot ang noo ko pero napatawa rin.

"C'mon! Don't bluff." sabi kong natatawa. He handed me his phone. Tinignan ko ito at nanlaki talaga ang mga mata ko. 'Yung panga ko talagang muntikan nang malaglag.

Ilang minuto lang ang nakakalipas pero heto at may article na agad? Bwesit! Ang bilis nga naman lumipad ng balita oo! Daig pa ang Philippine Hawk!

Binasa ko ang buong article. Nakasaad dito na 'yun nga, ang inaakala nilang bestfriend lang ni King ay fiancee pala niya at tinago lang daw namin ang relasyon. Kesyo para may privacy, kesyo para may surprises at kung ano-ano pang mga kakesyohan. About naman kay Sofia, nilagay dito na ginamit lang daw siya para matakpan talaga ang totoo naming relasyon ni King. At 'yung insidente naman kanina, kesyo hindi ko raw napigilan ang sarili ko at nabulgar ang totoo.

Nakasulat rin dito na ang sweet daw ni King. Langya! Sinulat nila na manggagamit si King pero naging sweet pa siya? Ang tindi!

Nilagay ko ang phone niya sa dashboard at nakalumbabang sumandig sa upuan. I sighed.

"I'm sorry Pumpkin..." nakita ko sa peripheral vision kong lumingon siya sandali sa'kin.

"Sorry? For what?" lumiko siya sa kanan.

"For dragging you in this situation. Kung hindi ko sana---"

"Shhh..." napatingin ako sa nakangiti niyang mukha. "It's okay and in fact, I am very grateful." nangunot ang noo ko. Grateful? Para saan? Tinignan ko siyang nagtatanong pero kinindatan lang ako at mas lumawak pa ang ngiti. Napairap nalang ako sa kawalan.

"We're here!" sabi niya matapos ang ilang minuto naming pagbiyahe.

I looked around at para akong batang puno ng excitement. Wow! First date namin at dito talaga sa isang carnival? Cool!

Hindi na'ko naghintay na pagbuksan ni King ng pinto. Lumabas agad ako. Just wow! This should be fun!



The BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon