Chapter Five

51 2 0
                                    

Airah's POV

Takbo-lakad ang ginawa ko papuntang parking lot para hindi ako maabutan ni King. Ayokong makita niyang umiiyak ako at baka ano pang isipin nun. Mahal ko siya kaya ako nasasaktan pero hindi niya alam 'yun. Tsaka we've been bestfriends since then at ayokong sirain 'yun.

"Airah wait!" napapikit ako dahil sa inis. Ang bilis naman makahabol ng taong 'to! Nagkunwari akong walang narinig at nagpatuloy sa paglakad.

Kunting-konti nalang sana at maaabot ko na ang sasakyan ko pero tinamaan nga naman ng malas at nahawakan pa'ko ni King sa pupulsuhan. "Hey!"

Bago ako umikot para harapin siya ay dali kong pinahid ang isang luhang pumatak.

"Why?" I tried to sound casual. Hindi ko pinahalatang galing ako sa pag-iyak.

Pansin kong tagaktak ang kanyang pawis. Ano kayang dahilan ng pagpapawis nito? Sa paghabol ba sa'kin o sa pakikipaglapaan niya sa kambing kanina?

"Look. What you saw was a misunderstanding. It's not what you think." kumunot ang noo ko. It's not what I think? Eh anong ginagawa nila kanina? Naghahabulan tapos natalisod siya at napahiga at aksidenteng napunit ang mga damit nila? Tapos aksidente ring nagkahalikan sila at enjoy na enjoy sa isa't-isa? Aba hanep! Matinde!

I stopped myself from rolling my eyes. "Bakit ka nagpapaliwanag sa'kin?" I laughed at ginawa ko talaga ang lahat para maging totoo ito. "You don't have to explain. It's your life anyway." I turned around and was about to open my car door when I felt his muscular arms snaked around my waist.

"I'm sorry." nagsusumamo niyang panghihingi ng tawad. But for what? We all know that our engagement is a fake. He doesn't have to act like this.

Tinanggal ko ang pagkakapulupot ng kanyang mga kamay at hinarap siya. "You don't have to say sorry, okay?" I said reassuring him that I am perfectly fine when actually, I am not.

It's so easy to be wise. Just think of something else to say and say the opposite.

Ngumiti siya ng pilit at hinila ako pabalik sa building. Nagpatianod nalang ako at hindi na kumontra dahil pagod narin ako.

Nakarating kami sa office niya at wala na dun ang natapong mcfloat kanina at higit sa lahat wala narin ang haliparot na kambing. Umupo ako sa single-seater sofa at iniiwasan ko talagang mabaling ang atensyon ko sa leather couch. Pumapasok lang kasi sa isip ko ang senaryo kanina. Kainis!

"What do you wanna eat?" tanong ni King at umupo sa kanyang swivel chair. "Magpapa-deliver nalang tayo."

"Wala. Ayokong kumain." walang gana kong sagot at ipinatong ang dalawa kong paa sa center table. Sitting pretty eh. Tinitignan ko lang ang bawat mahahaling paintings niya dito.

"You sure? Kasi mag-o-order ako ng para sa'kin." tinanguan ko lang siya at narinig kong tinawag niya ang kanyang sekretarya sa intercom.

Few minutes later ay kumakain na siya ng pizza. "By the way Cupcake, The Snitch contacted my secretary the other day..." napalingon ako sa kanya na kumakain habang nakatingin sa kanyang macbook.

"They're asking if pwede ba tayong maging guest nila." this time ay liningon na niya ako. Umiwas ako ng tingin.

I don't really like guesting and interviews. Ibig lang kasing sabihin nun ay may mga paparazzi nang palaging nakabuntot sa'yo. But oh well, kahit na hindi kami mag guest sa kahit na anong talk shows ay may mga paparazzi paring nakabuntot. Ang sikat naman kasi nitong si King, dinaig pa ang artista.

"So...what?" napabaling ulit ako sa kanya. I sighed. "Fine." nakita ko ang pagsilay ng isang ngiting tagumpay sa labi niya. Wala rin akong magagawa kapag tumanggi ako. Kukulitin lang ako ng taong 'to hanggang sa pumayag ako.

Silence took over the place. Except sa mahihinang tunog na nagmumula sa pagta-type ni King sa kanyang macbook. Napatingin ako sa suot kong wrist watch and it's already half past six.

I stood up at inayos ang nagusot kong white blouse. "King alis na'ko." I looked at him. Kung bukas ang guesting namin, dapat lang na mag beauty rest ako. Charot! Hahaha

"No. You can't go home yet." sabi niya sabay pagsarado sa kanyang macbook at isinilid ito sa lalagyan. Napataas ako ng kilay. Anong ibig niyang sabihin dun?

Tumayo na siya at kinuha ang kanyang coat it isinuot ito. "May pupuntahan tayo."

"Anong may pupuntahan? Gabi na oh--" I looked outside thru the open window. "And besides, I'm tired."

"Sige na please? Saglit lang naman eh." he pleaded at nag-puppy eyes pa. I rolled my eyes inwardly, minsan talaga ang childish nito.

"But I have to---" I tried to reasoned out pero nadi-distract ako sa puppy eyes niya. Bwesit oo! "Fine!" I finally gave in. Wala eh! Ang lakas ng epekto nitong lalaking 'to sa'kin.

"Yes!" napasuntok talaga siya sa ere at tsaka ngumiti ng matamis. "Tara na!" hinawakan niya 'ko sa kamay at marahan akong hinila palabas sa office niya.

Ngumiti lang ako sa kanyang sekretarya nang makadaan kami sa desk nito. Pinindot ni King ang G button sa elevator. Naramdaman ko ang pag-intertwined ng mga kamay namin. Napayuko ako upang tignan ito at hindi ko mapigilang mapangiti.

Ang sarap lang kasi sa pakiramdam. Feeling ko may gusto rin si King sa'kin gaya ng pagkakagusto ko sa kanya. Sana ganito nalang, kahit na fake lang ang romantic relationship namin atleast masaya ako. Pero lahat ng bagay may katapusan. Hiling ko lang, sana tumagal 'tong amin.

Isang oras ang lumipas at nakarating kami sa isang high-class restaurant. Kaunti lang ang tao at halatang puro mayayaman. "What are we doing here?" I asked after he pulled a chair for me. Umupo naman siya sa tapat ko. Ano? Kakain na naman kami? I mean, siya lang pala.

"So that we can have privacy." napa-okay ako't sumandig sa upuan. Tumawag siya ng waiter at nagsimulang sabihin ang mga order namin.

Napatingin ako sa labas. You may find it weird pero nagagandahan talaga ako kapag sumasapit na ang dilim. Mas na-e-emphasize kasi ang mga street lights at ang mga ilaw sa iba't-ibang infrastructures.

"Hey Cupcake." nabaling ang atensyon ko kay King nang tinawag niya ako. May kung ano siyang kinuha sa bulsa ng kanyang coat at nanlaki talaga ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung ano ito.

It's a dark blue little box. Nagpabalik-balik ang tingin ko mula sa box at kay King.

"I-I just realized yesterday na hindi pa pala kita nabibigyan nito." he opened it and I can hear wedding bells at the back of my mind. Charot lang! Hahaha pero really, ang ganda ng ring.

Walang brand name 'yung box but by the looks of this ring, halatang nagsusumigaw ito ng kamahalan.

Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at sinuot niya ito sa'kin. Kulang nalang ang mga katagang, "Will you marry me?"

"Wow. It's damn beautiful." tinapat ko pa ito sa ilaw at kitang-kita ko ang pagkinang nito at ang pag-reflect ng ilaw.

Tinignan ko ang nakangiti niyang mukha. Pwedeng totohanan nalang?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon