Prologue

108 2 0
                                        

"After all these years, siya parin pala?" basa na ang buong mukha ko dahil sa mga luha. Pero wala akong pakialam kung ano ang itsura ko ngayon. Gusto kong marinig ang sagot niya.

But he didn't answer. Ni hindi nga siya makatingin sa mga mata ko. At mas lalo lang akong naiyak.

"So siya parin talaga..." napatawa ako ng pagak.

"Airah..." hinawakan niya 'ko sa kamay pero winaksi ko ito.

"Ang tanga mo! Ako itong nandito palagi sa tabi mo pero siya parin ang hinahanap mo! Ilang taon na ang lumipas King pero bakit siya parin ang mahal mo!? Bakit ha!?" pinaghahampas ko ang dibdib niya at hinayaan lang naman niya ako.

"Pero mas tanga ako dahil minahal kita. Minahal ko ang bestfriend kong may mahal nang iba." marahas kong pinahid ang mga luha ko.

"Remeber this day Mr. King Monteverde. Remember that this is the last time I will cry because of you. I've had enough."

I composed myself and left. Naglakad ako palayo at hindi na lumingon.

The BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon