Airah's POV
Pagkatapos naming makaalis sa kumpol ng mga tao ay hinatid na ako ni King pauwi. Gusto ko pa sanang sakyan ang lahat ng rides pero mukhang malabo dahil kilalang-kilala nila si King at baka hindi lang rin kami mag-enjoy dahil wala nang privacy.
Sa carnival ba naman kasi mag-date. Parang mga shunga lang pero nag-enjoy naman ako kahit papaano. Kahit na horror booth lang ang napasukan namin.
Tsaka na-awkward-an din ako. Ang tahimik ko nga lang buong biyahe eh kasi nahihiya ako. Bwesit kasi si King at sa labi talaga ako hinalikan. Hindi naman ako nagrereklamo pero kasi, pakiramdam ko...hay naku! Ewan! Basta kinikilig parin ako hanggang ngayon at hindi makatulog.
Alas-dose na at may trabaho pa'ko bukas. Kanina pa'ko pagulong-gulong dito sa kama ko pero hindi talaga ako dinadalaw ng antok. 'Yung scene lang ng paghalik sa'kin ni King ang dumadalaw. Napahawak ako sa magkabila kong pisngi dahil ramdam ko ang pamumula nila.
"Hay naku King! Why do this to me?"
Pero teka nga lang. Totoo kaya 'yung sinabi ni King kanina?
Hindi pwede! Mahal ko 'to eh!
Totoo ba 'yun o baka naman sinabi niya lang 'yun dahil ang alam ng lahat ay engage kami?
---------
"Oh Doc Airah! Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi?" napangiti lang ako sa sinabi ni Doc Michael. Dumeretso ako sa opisina at sumubsub sa desk. Sobrang visible kasi ng eyebags ko. Bwesit naman!
Gusto ko sanang mag-absent ngayon at matulog buong araw kaso ang dami kong appointments. Hindi naman pwedeng i-reschedule at baka magalit ang mga pasyente.
Napilitan akong tumayo at sinuot ang lab coat ko. Hay kapagod nga naman. Tinignan ko ang chart ng mga appointments ko at mamayang 8:30 pa pala ang una. Kinuha ko nalang ang laptop. I'll just study first the new operation method. Hindi nalang ako iidlip at baka mapahaba pa.
I was jotting down notes nang makarinig ako ng tilian sa labas. Hindi ko nalang ito pinansin at mas nilakasan ang volume ng pinapanood ko.
Tinodo ko na, 100% na ang volume pero wala parin akong maintindihan dahil mas malakas parin ang tilian sa labas. Bwesit naman oh! Kita nang nag-aaral ang tao eh! Kailangan ko 'tong maintindihan dahil baka magamit ko ang operation method na'to in the near future.
Ano ba kasing tinitilian nila!? Naiirita kong binuksan ang pinto pero kumpol ng mga tao ang sumalubong sa'kin. May mga nurses, mga kapwa ko doctor at mga pasyente. 'Yung iba bitbit pa nila ang kanilang mga dextrose.
Mukhang may pinagkakaguluhan sila. Nakisiksik ako pero hindi naman ako makasingit. Winawaksi kasi ako ng iba. Aba!
"Everyone! Go back to your--- ouch!" langyang nurse 'yun ah! Itulak ba naman ako!? Buti nalang at hindi ako na-out of balance.
Kahit na anong sigaw ko ay mukhang hindi nila ako maririnig kaya naman pumunta ako sa entrance kung saan may mga guards. "Kuya pahiram po ng pito mo." may mga guards pala rito pero hindi man lang nila sinita ang mga tao.
Eh paano kung may pasyenteng atakihin diyan? Imbes na gumaling edi lumala pa.
Hinipan ko ang pito with my full force. Dalawang beses ko itong hinipan at buti nalang tumigil ang lahat.
"Ano ba kayo!? Parang hindi kayo mga professionals sa inaakto niyo! Mga nurses at doctors! Tulungan niyo ang mga pasyenteng bumalik sa mga wards nila!" isa-isa silang umalis at tinulungan ang mga pasyente. Pansin ko lang na puro babae at dalagita ang mga ito.
"King!?" gulat kong tanong nang unti-unti nang nagsi-alisan ang mga tao. Kaya naman pala ang lakas ng mga tili at kaya naman pala puro mga babae ang kumpol kanina.
"Hi Cupcake." bati niya sa'king nakangiti. Ngayon ko lang napansing may hawak pala siyang bouquet ng pink tulips at dalawang cup na may tatak na Bo's Coffee.
"What the hell are you doing here?" bulong ko pagkalapit sa kanya tsaka siya hinila papasok sa opisina. "Dinadalaw ka. Ano pa ba?" he answered as if sobrang obvious na. Well, tama nga naman siya.
"But why!? Alam mo namang sobrang sikat mo. Kita mo nga naman kanina, pati mga pasyente nakiki-usyuso. Pa'no kung mapahamak sila at lumala ang sakit nila?" naiirita kong sabi.
"Are you trying to say na bawal kitang dalawin?" inilapag niya ang kanyang dala sa center table at napatingin sa'kin ng deretso. Napataas rin siya ng kilay.
"That's not what I meant. Ang akin lang ay kung dadalaw ka ay magsuot ka naman ng disguise para hindi ka pagkaguluhan." I replied.
"Fine." he said pero alam kong kabaliktaran nun ang gusto niyang sabihin. Nandito na naman tayo sa pagtatampo niya.
"Pumpkin, 'wag ka namang ganyan. I didn't meant to---"
"I said it's okay!" I was taken aback sa biglang pagtaas ng boses niya. "I brought your favorite coffee." bigla nalang siyang lumapit sa pinto at umalis. Hindi man lang ako pinatapos.
Frustated akong napa-upo sa swivel chair. Jeez! Bakit ba ang bilis niyang magtampo!? Lintek!
Gusto ko sana siyang habulin pero dumating na si Mrs. Taconing, ang naka-schedule kong first appointment.
--------------
Matapos ang ilang oras ay natapos na lahat ang apointments ko. Mabilis akong nagligpit ng gamit at pumunta agad sa information desk upang mag time-out.
"Alis ka narin Doc?" tanong ni Niña, isang nurse at nakasabayan ko rin sa pag-out. "Yes." tipid kong sagot at nag-jog papuntang parking lot.
Four-thirty pa naman. Baka nasa office parin si King ngayon. Kadalasang umuuwi 'yun mga alas-dyes na ng gabi. Nag drive-thru ako sa McDonald's at bumili ng paborito niyang meryenda bago pumunta sa company building niya.
"Good morning ma'am." binati ako nung guard pero hindi ako nakapag-reply dahil sa pagmamadali. Kulang nalang masira ang mga button sa elevator dahil sa kakapindot ko.
Huminto ako sa 17th floor kung nasaan ang office niya. Ang secretary ni King ang sumalubong sa'kin.
"M-ms. Airah!" tila nagulat siya sa pagdating ko. Oo nga naman, hindi naman kasi ako nagpasabi na darating ako. "Oh! Hi Mrs. Garcia. Si King po?" magalang kong tanong. Hindi naman siya masyadong matanda. Mga nasa mid-30's lang at may-asawa na rin.
"Ah si Mr. M-monteverde..ano.." nauutal niyang sagot. Para yatang kinakabahan siya. "Okay ka lang po?""Ay oo naman! Nasa ano si Mr. King...nasa meeting! Oo nasa kalagitnaan pa siya ng meeting ngayon." napataas ako ng kilay. Ano bang problema nito? Para siya kinakabahan tsaka balisa.
Hindi ko nalang pinansin at sasakay na sana ulit sa elevator pero nakarinig ako ng kalabog sa officce ni King. 'Yung tunog na parang may nahulog.
Kinakabahan ako sa naiisip ko pero agad akong naglakad papunta sa pinto. His secretary tried to stop me pero huli na dahil nabuksan ko na ang pinto.
Parang huminto ang pag-ikot ng mundo sa nakikita ko ngayon. Parang walang ibang gumagalaw kundi si King na half naked at nakahiga sa leather couch at ang isang babaeng nakasuot pa ng skirt pero naka-bra nalang sa pang-itaas. Sofia is straddling at him at kapwa nagpapalitan ng maiinit na halik.
I felt numb at nabitawan ko ang dala kong fries at mcfloat. Gumawa ito ng tunog dahilan upang mapalingon silang dalawa sa gawi ko. Gulat na gulat ang mukha ni King but the bitch is smirking at me.
Slut!
"A-airah!" bago paman siya makatayo ay tumalikod na'ko at sumakay sa elevator.
Ang akala ko pa naman ay nagtatampo at galit siya. 'Yun naman pala nakikipaglaplapan sa isang kambing.
Pinahid ko ang mga luhang nag-uunahan sa pagtulo. Bwesit!
BINABASA MO ANG
The Bestfriend
RomanceFalling in love is a complex idea. Especially when you fell in love with your bestfriend. It's either you could be loved back or fall face-first on the floor. All rights reserved 2017