Chapter Three

43 2 1
                                    

Airah's POV

Nilibot ko ng paningin ang buong carnival. Ang daming rides! Nilingon ko si King na nakasandig lang sa kotse at tinitignan ako. "What are you waiting for? Tara na!" hinila ko siya papasok sa entrance at una naming pinuntahan ay ang horror booth. Bumili kami ng tickets at pumila.

"Baka naman matakot ka lang?" napatingin ako sa kanya tsaka ngumiti. "Di yan. Baka nga ikaw eh."

Kumunot ang noo niya. "Ako matatakot? Imposible." napatawa pa ang damuho. We'll see.

Binigay ko ang dalawang tickets sa lady guard. Ginabayan naman kami papasok pero hanggang sa unang liko lang.

Dim ang light at halos wala kang makita tapos dinagdagan pa ng nakakatakot na sounds. May mga puting tela sa paligid na puno ng kulay pula.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni King sa kamay ko. Muntik ko ng makalimutan na magka-holding hands pala kami. I was about to tease him nang biglang may kung anong humawak sa balikat ko. Awtomatiko akong napatili at lumingon.

"Shit!" sunod-sunod na mura ang napakawalan ko. Ang hanep ng prosthetics ah! Mukha talagang totoong nawala ang kanang mata niya tapos puno ng dugo. Napakapit ako ng mahigpit sa braso ni King at hinila siya papalayo.

Ilang hakbang lang ang nagawa namin at may sumulpot na naman sa harapan! "Waaah! Bwesit! Fvckshit!" 'yung mukha ng multo parang natanggalan ng balat tapos nanlilisik ang mga mata niyang kulay pula.

Panay ang ilag namin at nagpatuloy sa paglakad hanggang sa makarating kami sa isang maliit na kwarto. May dalawang higaan at may isang wheelchair sa gilid. Tumindi ang kapit ko kay King. Kulang nalang madurog ang mga daliri niya.

"K-king...ayaw k-ko yatang tumuloy sa p-paglakad..." nagkanda utal-utal talaga ako dahil sa kaba at takot. Panay ang atras ko pero hindi pwedeng lumayo masyado kasi alam kong may mga multo rin sa likod ko.

"Aaahhhhh!" napatili na naman ako nang mag biglang humawak sa dalawa kong binti. Napatalon ako at dahil sa panic ay napatakbo ako ng deretso. Biglang bumangon ang dalawang nakahigang multo pati narin 'yung nasa wheelchair.

"Aaahhhh! Bwesit! Langya! Bwesit!" tumakbo ako hanggang sa makalabas ako sa kwartong 'yun. Paglabas ko wala namang naka-abang na multo at wala ring mga higaan. Hindi parin nawawala ang kaba sa dibdib ko.

"T-ara na Pumpkin..." liningon ko siya pero ganun nalang ang takot ko nang hindi pala siya nakasunod sa'kin. Oo nga pala! Nabitawan ko pala ang kamay niya nung nag-panic ako at kumaripas ng takbo.

Paulit-ulit akong napamura sa isipan. Anong gagawin ko? Alangan namang bumalik ako dun eh halos mahulog na nga ang puso ko dahil sa mga letseng mga taong 'yun na naka-prosthetics.

No choice ako kundi magpatuloy nalang sa paglakad. Makikita ko siguro si King paglabas ng langyang horror booth na'to. Nagpatuloy ako sa paglakad at buti nalang walang sumulpot sa harap ko.

Lumiko ako sa kanan at parang na-glue ata ang mga paa ko sa sahig. Lintek! May tao kasing naka-upo sa isang silya pero nakayuko naman ito. Kung titignan mo sa malayo, aakalain mong natutulog pero pustahan. Kapag nakalapit na'ko bigla itong tatayo at hahabulin na naman ako. Letse naman oo!

Dahan-dahan akong naglakad. Nag-cross fingers ako na sana hindi nalang 'to bumangon at hindi nalang ako takutin. Sobrang lapit ko na sa kanya nang bigla siyang tumayo at lumapit sa'kin. Napatili na naman ako ng sobrang lakas. Hindi na'ko magugulat kung bukas wala na'kong boses.

Panay ang iwas ko sa bawat paghawak niya sa'kin. Hindi ako makatakbo ng deretso kasi nakaharang ang damuho sa daan. Para lang kaming nagpapatintero.

"Padaanin mo nga akong bwesit ka!" singhal ko sa kanya. Hindi naman siya nagsalita pero kita ng dalawang mata ko ang pag-smirk niya.

Aba! Kung tuhurin ko kaya 'to!? Lintek na'to! Hindi na nga ako papadaanin nagawa pang mag-smirk!

Nasa right side kami at sobrang laki ng space sa left. Kumaripas ako ng takbo at napangiti talaga ako sa isip ko dahil sa wakas! Nakadaan na'ko!

"Aahh!" dahil sa bilis kong nakatakbo at sobrang smooth pa ng tiles ay nadulas ako. Ang akala kong sahig ang sasalo sa'kin ay napalitan ng dalawang kamay. Napamulat ako at si King pala. Tinulungan niya akong makatayo nang maayos atsaka ako hinila papalabas.

Napahinga talaga ako nang maluwag dahil nakalabas narin ako sa wakas. Normal na ang sindi ng mga ilaw at may mga stalls narin akong nakikita. Normal na ang mukha ng mga tao, wala ng prosthetics.

"King!" hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya. "Ba't ka nawala? Paglingon ko wala ka na."

"You let go of my hand. Hinanap kita pero halos wala naman akong makita dahil madilim." sabi niya at sinuri ang buo kong katawan. "Hindi ka ba nasaktan? Muntik ka nang mapahiga sa sahig kanina."

"Yeah. Buti nalang at nasalo mo'ko." sabi kong nakangiti pero deep inside ang lakas parin ng kabog ng dibdib ko. Hindi dahil sa kilig kundi dahil sa pagtakbo at pagsisisigaw.

"Tara na nga. Ayoko na dito. Lintek na horror booth! Hindi na talaga ako uulit." hinawakan ko siya sa kamay at hinila papaalis.

Narinig ko siyang tumawa kaya napatingin ako sa kanya. "Bakit?"

"Natatawa lang ako kasi kanina ang buo ng loob mong pumasok pero ngayon..." lumakas na talaga ang pagtawa niya. I glared at him pero mas tumawa lang siya. Napatingin tuloy ang ibang tao sa amin.

Ang iba nanlaki ang mga mata tapos nagbulong-bulongan.

"Si King Monteverde ba 'yan?"

"Kasama niya si Airah..."

"Mukhang nagde-date sila ah. Yiiieee ang sweet."

Kung bulong man ang tawag dun. Naririnig ko naman kasi. 'Yung iba naman nagsihulbutan ng cellphones at panay picture sa'min. Napatabon ako sa mga mata ko dahil sa mga flash. Dun lang na-realize ni King na pinalilibutan na pala kami ng mga tao kaya napatigil na siya sa pagtawa.

"King pwedeng papicture?"

"Pa-autograph naman po!"

"King hiwalayan mo na si Airah! Ako nalang!"

"King! Ako nalang pakasalan mo!"

Napapailing nalang ako sa pinagsisigaw nila. Hay naku! Ang heartthrob naman kasi nitong bestfriend ko.

"Hindi pwede! Mahal ko 'to eh!" napalingon ako sa kanya dahil sa narinig ko. Pero deretso lang siyang nakatingin dun sa mga babaeng nagsisigawan.

Akala ko ibang tao ang sumigaw nun pero akala ko lang pala. Base sa ekspresyon ng mukha niya, siya talaga ang nagsalita. Napansin niyang nakatitig ako sa kanya kaya liningon niya 'ko.

He smiled and leaned forward. Akala ko hahalikan niya 'ko sa pisngi pero ganun nalang ang paglaki ng mga mata ko dahil sa lips pala. Shet! Sa lips niya 'ko hinalikan. Smack lang naman pero sa lips eh! Hindi sa cheek! Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Matutuwa ba ako o ngingiti.

Taray lang! Ang harot ko! Hahaha

The BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon