graduating

205 8 4
                                    

para sa 6-4,

tayo man ang pinakamaingay na klase hindi ko parin makakalimutan ang mga memories na meron tayo

yung first day of school, akala ko hindi magw-work out ang lahat

na hindi tayo as a class mag-iisip. nung grade 5 kasi parang kanya-kanya lang tayo eh

pero ngayon, kung kani-kanino nalang sumasama

of course nandiyan ang mga problems natin. normal lang naman yun for a class diba?

hindi naman tayo perfect

may mga awayan

mga tawanan

kasiyahan

and it all started nung pinagsama-sama tayo to be a class until the end

maghihiwalay na tayong lahat

may mga mags-stay

mga aalis

mga hindi alam kung saan sila pupunta

pero kahit na mga nagtatrabaho na tayong lahat, wala paring makakatalo sa best section

diba?

we might not be the quietest section, but we still try our best diba?

yung mga officers, mga namamaos na sa kaka-sigaw

yung mga walang tigil ang bunganga

yung mga tahimik

mga matatalino

mga abnormal

basta lahat na yata meron tayo

wala man tayong disiplina minsan

pero at least meron tayong mga memories na hindi pwedeng kalimutan

good or bad

sa halos isang taon na pagsasama

mga awayan

mga pagkakaibigan

mga kulitan

mga kalokohan

mauuwi lahat yan sa isang araw na ceremony

mauuwi sa isang araw na hinihintay mo pero at the same time, ayaw mo

kasi alam mo na pagkatapos ng araw na yun

kapag nakahiga na tayo

naka-celebrate na tayo

hindi na natin makikita ang isa't isa

parang love,

hinihintay mong dumating pero natatakot ka kasi baka masaktan ka lang

mahal ko ang mga 39 people sa klase na ito

ang 6-4 Mary of Jerusalem

and klaseng ordinaryo

klaseng magulo

klaseng mabait paminsan-minsan

klaseng masayahin (go with the flow)

klaseng maraming alam

klaseng may mga magagandang tao

at huli sa lahat,

klaseng may magandang adviser

ang adviser na hindi sumusuko sa amin kahit sa daming problema na binibigay namin

ang adviser na nandiyan lang para sumuporta

ang adviser na pilit gawin ang lahat para lang makita niya ang mga anak-anakan niya na makapasa

kaya lahat ng ito muuwi sa isang araw ng kasiyahan at kalungkutan

ang Graduation

*
lmao. napa-aga yata drama ko 😭😭
- molly 🌾

Babaeng May PinagdadaananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon