"Saan mo gustong kumain? Treat ko."
"May part-time job ka pa, hindi ba?"
"Day off ko ngayon."
"Ahm... sorry, Hyuie. May lakad kasi ako ngayon eh. Next time na lang siguro. Promise yan."
"Ganoon ba? Sayang naman."
"Sorry talaga." Sandaling nanahimik ito. "Ah... Hyuie? Alam mo bang kanina pa tayo sinusundan nung mga---"
"Hayaan mo sila. Magsasawa din yan."
Papunta kami sa bus stop kung saan sumasakay si Luna, ang pinakamabait at pinakamahinhin na taong nakilala ko sa tanang buhay ko. Bestfriend ko yan. Hay... sayang ang day off ko. Balak ko pa namang mag-bonding kami ngayon.
Anyway, before anything else, I'm Hyuie Lylee Xanadu. Weird name? Yes. I'm a graduating student of BS Management in an all-girls college. Napilitan lang akong mag-aral doon para sa kapakanan ni Luna. Isa lang ang masasabi ko sa sarili ko. I'm Luna's opposite.
Dalawang kalye na lang at nandoon na kami sa bus stop nang may humarang na tatlong kalalakihan sa amin. Mga admirers ito ni Luna. And they happen to be the type of guys I hate the most.
"Hey Luna! Let's go out. Treat ko."
"No, Luna. Sa akin ka sumama."
"Huwag kang sumama sa kanila. Sa akin---"
"I don't think so." mataray na putol ko. "Who gave you the right to ask her out?"
"Ano bang pakialam mo, Miss? Siya naman ang niyayaya namin at hindi ikaw."
"I have all the right to intrude because you're all a bunch of trash."
"Aba't ang galing mo ding mang-insulto! Akala mo kung sino kang magaling por que't ini-english mo kami! Tandaan mong babae ka lang." pagbabanta nung naunang lalaki. As if pasisindak ako.
"And so?"
"Malilintikan ka na talaga sa akin, babae ka!" Susugurin na dapat niya ako nang pigilin siya nung mga kasama niya.
"Daanin natin ito sa maayos na usapan. We're just asking her out."
"And you're blocking our way."
Maang na napatingin sila sa akin. Hah! Mainit ang dugo ko ngayon. Huwag nilang tangkaing gumawa ng hindi maganda, malilintikan talaga sila sa akin. Hinawakan ko si Luna na medyo kinakabahan at hinila ko siya. Hindi naman kami pinadaan ng tatlong bugok. Tsk.
"Luna, sige na naman."
"Ah... eh..." I know she wanted to reject them. She's too nice to do that kaya ako na ang gagawa.
"She's busy."
"Gumagawa ka lang ng alibi eh." inis na sabi nung unang lalaki.
"She doesn't associate herself with your type so get lost."
I matched it with a cold glare. Medyo tumalab naman. Kaso pumalag yung isang lalaki. Napikon siguro kaya sinugod ako. Sabi na nga ba. Itinulak ko palayo sa akin si Luna at bago pa ako masuntok nung lalaki, inunahan ko na siya.
Binigyan ko siya ng one-two punch sa mukha. Ayun. Bulagta. Lakas maghamon, wala naman pala. Sinayang lang niya ang matino niyang mukha. Nag-aral yata ako ng self-defense at iba pang killer sports. Tuluyang napaatras na yung dalawa pang lalaki.

BINABASA MO ANG
My Secret [CHAPTER 10 UPDATED]
Teen FictionWhat if you woke up in an unknown place, naked? What if you saw a naked woman in your own room? Tapos ipapakasal ka sa taong hindi mo kilala... And marriage is both your living nightmare... Anong gagawin mo? Especially if one of you fell for the oth...