Chapter 3

519 15 9
                                    

A/N:  Sorry kung ngayon lang nakapag-update nito.  Busy kasi sa pagbabasa ng manga.  So... hope you enjoy this chapter.  Pakitingin na lang nung pics sa gilid. ^_^

__________________________________________________________________

"Hay salamat... natapos din yon.  Kapagod." -Yosuke

"Tanggap ka kasi ng tanggap ng bagong projects.  Pati kami nadadamay." -Yohann

Katatapos lang naming magpirmahan ng isang business deal from Yosuke's company.  Sa campus na namin ginawa yon since between the four of us lang naman ang deal na iyon at may private office din kami doon dahil ang dad ni Yohann ang may-ari ng school na yon.

"Hindi ako ang tumatanggap non.  Tatay ko.  At isa pa, pwede mo namang i-decline yon kung ayaw mo."

"Alam niyo namang basta project galing sa kahit sino sa inyo, tatanggapin ko.  Required eh.  Kaya paki-hinay-hinay lang ang pagpapayaman."

"Tama na yan.  Nagugutom na ako.  Saan ba may magandang makakainan dito?" singit ko.

"May alam ako na magandang restaurant malapit dito.  Inirekomenda ng isa sa mga chickababes ko kanina." -Yosuke

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa restaurant na sinasabi ni Yosuke.  Iniwan na lang namin sa parking lot ng campus ang mga kotse namin since malapit lang naman yon at mas safe ang mga kotse namin doon.

"Bukod sa masarap na ang pagkaing inihahanda nila, lahat daw ng staff ng restaurant na iyon ay may hitsura according to my sources.  Can't wait to see them." pagbibida ni Yosuke na may halong excitement.

"Daig mo pa ang marketing staff ng restaurant na yon." natatawang puna ko.

"Akala ko ba, seseryosohin mo na yung taga-AU?" biglang komento ni Ymir.

"Agree.  Bakit nakikipaglandian ka pa rin sa mga babaeng yon?" dagdag ni Yohann.  Halatang gusto lang niyang mabawasan ang rivals niya.

"Parang ikaw hindi.  At isa pa, hindi ko pa naman siya nililigawan so technically, legal pa rin yung mga ginagawa ko." depensa niya.

"Kailan mo nga ba siya liligawan?" tanong ko.

"Kapag wala na ang asungot niyang bestfriend." sagot ni Yosuke.  "Sabi niya kanina nang makasabay ko siya sa bus, ipakikilala daw niya ako sa bestfriend niya kapag nagtugma ang schedule namin."

"Nagba-bus ka?" manghang tanong ni Yohann.

"Kaya pala wala ang kotse mo doon." -ako

"Need to.  Yun lang ang tanging daan para magkalapit kami."

"Iba na talaga yan, bro.  Ikaw na mismo ang lumalapit sa chicks." -Yohann

"Teka lang.  Paano ba ang pagka-'amazona' nung bestfriend niya?" tanong ko nang makapasok na kami sa restaurant.

"Gaya non?" sabi niya sabay-turo sa kaliwang bahagi ng restaurant.

Tiningnan naman namin ang direksyong itinuro niya.  Hawak ng isang waitress ang kamay ng isang lalaki at base sa reaksyon nito, mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya.  Everyone was looking at them.

"Ano bang problema mo?" reklamo nung lalaki.

"Rule #2 for the customers:  No sexual harassment." sagot naman nung babae.  Hindi ko makita ang mukha niya since nakatalikod siya sa amin.

"Kailan pa nagkaroon ng ganyang rule dito?  At saka, wala namang nakasulat na ganyan dito." pangangatwiran nung lalaki.  Matanda na ito.  Yet, hindi pa rin siya binitiwan nung babae.

My Secret [CHAPTER 10 UPDATED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon