Chapter 6

442 17 20
                                    

A/N: Pasensya na po kung ganito ang kinalabasan.  Medyo wala po kasi ako sa mood na magsulat.  Di bale, babawi na lang ako sa next chapter.  Pa-vote and pa-like na lang po. Hope you still enjoy this chapter. ^__________^

----> Marami-rami nga rin po pala yung in-edit ko kaya pabasa na lang.  Patingin na lang din po nung pic sa gilid.

________________________________________________________

"Will you please stop it?"

Bigla akong napalingon sa kanya.  He seemed irritated pero baka imagination ko lang yon.  Anyway, tumahimik na ako.  Baka bad mood lang siya.  He was looking outside the building through the big windows hanggang sa makarating kami sa tapat ng destinasyon namin.

"You can go ahead without me tutal naihatid mo na ako dito."

Tinalikuran ko na siya at akmang papasok na ako nang bigla niyang hinawakan yung braso ko, causing me to look at him again.  Isang blangkong ekspresyon lang ang ibinigay niya sa'kin sabay-hila sa'kin papasok sa kuwartong yon.  We were warmly greeted by a woman who was already in her 40's.

"Oh Yuan!  Nandito ka rin pala."  Binalingan naman niya ako.  "And you must be Hyuie, right?"  I nodded back in reply.  "Hm... Can't left her alone, eh?"

Base sa pagtingin niya sa'min, I think may alam na siya sa engagement chorva namin ni Yuan.  Tsk tsk.  Itatanong ko na sana sa kanya yung about sa interview nang bigla akong kinabig ni Zel palapit sa kanya and he held me steadily besides him.  What the hell?

"I really planned to stay with her until I send her home." 

"Oh... how sweet naman.  Siguradong matutuwa ang grandma mo kapag narinig niya yan.  Anyway, hindi ko na nga pala i-interviewhin si Hyuie since hindi na kailangan yon sa case niya.  I was supposed to introduce the school to her but since you're her fiancé, ikaw ng bahala sa kanya, ok?"

"Ok."

"At huwag mo ring hahayaang mag-isa ang fiancée mo.  You know our school.  Delikadong mag-isang magpagala-gala sa campus grounds ang mga magaganda."

"Makakaasa po kayo."

Matamang tinitigan kami nung head ng school.  Si Zel naman, ang higpit pa rin ng hawak niya sa balikat ko.  Wala naman akong balak na umalis.  Hm...

"Hay... Ang galing talagang pumili ni Miss Nancy.  Bagay na bagay kayo.  Siya nga pala, kailan ang formal engagement niyo?"

"It's up to our parents to decide on that."

"Ah... ok."  She looked at me.  "Pwede bang makipagkuwentuhan sa'yo kahit sandali lang?  Yung wala si Yuan."

"Ahm..."

I looked at Zel.  Ang seryoso ng mukha niya.  Parang ayaw niyang pumayag.  Ano ba talagang problema niya?  Then, I heard her laugh.

"Yuan, hindi ko naman kakainin ang fiancée mo kaya pagbigyan mo na ako, ok?"

He looked at the woman then at me.  Ilang segundo ring tumagal yon hanggang sa napabuntong-hininga siya.  Medyo lumuwag na rin ang pagkakahawak niya sa balikat ko.

"I'll just give you a maximum of fifteen minutes.  After that, kukunin ko na siya."

"Sure thing." ^__________^

Binalingan niya ako.  "Sa labas lang ako."

Hindi ko napaghandaan ang sumunod niyang ginawa.  Bigla niya akong hinalikan sa noo bago siya tuluyang lumabas dito.  Of course na-shock ako sa ginawa niya.  Hindi ko inaasahang gagawin niya yon.  Kaya ayun, shocked pa rin ako hanggang ngayon.

My Secret [CHAPTER 10 UPDATED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon