Second Option

95 5 1
                                    

Hindi kasi siya 'yong tipo ng babae na magugustuhan mo sa unang tingin. Hindi kagandahan. Hindi kaputian. Hindi katangkaran. Hindi siya 'yong tipo ng girlfriend na pwede mong ihilera at ipagmayabang sa mga tao kung panlabas na anyo ang pag-uusapan. Simpleng babae lang kasi. Walang kolorete sa mukha. Walang arte sa katawan. Kahit naman kasi anong tanggi natin, alam din natin na unang tinitingnan ng tao ang panlabas na anyo ng kapwa niya rin tao. Ang ugali at utak ay pangalawa at pangatlo na lamang sa mga tinitingnan nila.

Lagi siyang second option. No choice kasi, kaya siya na lang. Pero hindi siya tanga katulad ng ibang kababaihan. Para sa kanya, hindi siya pinanganak para maging second option lang. Kung hindi mo siya pinili noong una, 'wag kang aasa na papayag siyang maging pangalawa.

Bakit ka nga naman magtitiis maging second option kung pwede ka namang maging priority ng isang tao? Ang utak binigay 'yan sa 'yo para tulungan kang mag-desisyon kaya gamitin mo rin 'pag may time girl. Ang pagmamahal binibigay 'yan, hindi hinihingi..hindi ka rin pulubi para mamalimos ng pagmamahal nila.

Aba, isa kang prinsesa dahil anak ka ng isang Hari. Isang Hari na tunay na nagmamahal sa 'yo. Walang kapalit. Walang pag-aalinlangan na pagmamahal. Maghintay ka lang at darating din sa tamang panahon ang Prinsipeng magbibigay ng happily ever after sa buhay mo. Si Sleeping Beauty nga natulog lang pagkatapos paggising niya'y nasa harap na niya ang kanyang Prinsipe..try mo rin kayang matulog? Haha. Biro lang.

Patulugin mo muna 'yang puso mo sa pagmamahal ng maling prinsipe..dahil kusa 'yang magigising kapag nakaharap mo na ang tunay mong Prince Charming.

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon