Kaibigan

65 3 0
                                        

Sadnu? Bigla na lang kayong 'di nagpansinan. Kayo pa naman ang unang naging magkaibigan bago mabuo ang barkada. Pagkatapos, isang araw biglang 'di ka na lang niya pinansin. Nagkakausap nga kayong magbarkada pero ikaw 'tong parang 'di nag-e-exist sa kanya. Mag-flashback mode ka kaya at baka maalala mo kung may nagawa kang mali kaya siya naging ganyan sa 'yo? Kung wala ka talagang matandaan, oras na para ikaw ang maunang kumausap at magtanong sa kanya. 'Pag 'di sunagoy sapakin mo! Joke. Hahaha. 'Pag 'di sumagot kulitin mo. You deserve an explanation! You deserve an acceptable reason! Choss. Hahaha. 'Yong akin lang, kung pwede niyo namang pag-usapan, bakit niyo itataya ang friendship na pareho niyong binuo? Mahirap kayang makahanap ng totoong kaibigan. Kapatid mo siya/sila sa ibang pamilya. Pagkatapos baka maliit lang na 'di pagkakaintindihan magpapataasan kayo ng pride? 'Yong friendship kasi para rin 'yang couple relationship. Minsan nga mas seloso pa mga kaibigan mo kasi naninigurado sila na hindi ka masasaktan sa mga taong pinapapasok mo sa buhay mo.

Pamilya mo sila at ang pamilya tinitingnan at binabantayan ang kalagayan ng isa't isa.

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon