Hindi Pwedeng Ipilit

151 8 0
                                    

Minsan may mga bagay na hindi pwedeng ipilit. Parang katulad lang 'yan nang pagbili ng sapatos. Type mo 'yong sapatos pero ang available size lang ay size 6 at 'yong size ng paa mo naman ay size 7. Hindi mo pwedeng ipilit ang sapatos na 'yon sa paa mo dahil masasaktan ka lang. Hindi porke't type mo ay ipipilit mo na 'yong paa mo. Nagpapakatanga ka lang kasi sa simula't sapul pa lang ay alam mo nang hindi naman para sa 'yo iyon..na hindi mo 'yon ka-size.

Ikaw mismo ang nagbibigay nang sakit sa paa mo...na kung tutuusin ay may size 7 naman talaga d'yang sapatos pero hindi mo lang type..kasi nga hindi mo gusto 'yong design. Hindi mo gusto ang style.

Ikaw na nagbabasa nito. Oo, ikaw. 'Wag mo nang ituro 'yang babaeng katabi mo. Kung ikaw ang tatanungin ko. Ano'ng sapatos ang gusto mo?

'Yong ideal design at style na gusto mo para may maipagmayabang ka at i-display sa mga tao kahit ang totoo, ang sakit-sakit na sa paa mo?

O simpleng sapatos lang na hindi mo man maipagmamalaki sa iba ang design at style nito pero kumportable ang paa mo at alam mong kahit ano ang gawin mo at kahit saan ka man magpunta ay tiyak na hindi ka masasaktan?

Sino'ng pipiliin mo? Siya na simple lang pero hindi ka sasaktan o siya na gusto mo pero sa simula palang ay alam mo nang ikaw ay masasaktan lamang?

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon