Chapter I. - Unpredictable Moments

8 0 0
                                    

Malapit na ang monthsary namin, teka aayusin ko na. Plano ko kasi na sa labas ng school ko siya isusurprise. Nako, sana naman matuwa siya. Sana di ako mabigo. Puntahan ko sila Brian, Paul, Marcus at Jonas. Sasabihan ko na sila

   "Oy brad! Kamusta na Oliver! Ano, ready ka na ba sa surprise natin kay Heart?"

   "Matagal na akong ready Brian! Ano naprint mo na yung T-shirts?"

   "Oo, ok na yun brad. Stay ka muna dito, laro tayo ng basketball"

  "Sige sige! Teka! May nagtext!"

   **Text message from Heart**
  "Babe, kailangan kita ngayon. Aattend ako ng party, gusto kita ipakilala sa friends ko"

Siyempre mas uunahin ko girlfriend ko, so binilisan kong umuwi at nagbihis ako para masamahan siya sa party. Masaya rin yun para sakin dahil makikilala ko kaibigan niya.

~After the Party~

Nakakapagod! Ang daming tao doon! Salamat sa Diyos nakauwi na rin! Siya nga pala, March 23 na bukas. Itetext ko na nga sila Brian!

    **Text Message from Unknown***
"Hey bae! Ang saya natin kahapon! Woo! Sana maulit muli! I love you! <3"
    "Hey! Magreply ka naman oh! Snob to oh. Reply naa :)"

Sino ba ito? Wrong send ba? Rereplyan ko ba o hindi? Hay nako, mga babae talaga ngayon. Hindi tinitignan ng mabuti ang sinesendan nila! Pano kung nabasa ni Heart ito? Replyan ko na nga ito!

Oliver:
   "Umm, Excuse po, wrong number po ata ito? Ingat ingat po kasi sa pagsesend para hindi naliligaw ang message"
   
Unknown:
   "Sorry! Sorry na po! Text ko lang po ito sa friend ko! Sorry po talaga!

Oliver:
   "Apology not accepted, paano pa kaya kung nabasa ito ng girlfriend ko?"

Unknown:
  "ANG TANONG, NABASA PO BA NIYA? GRABE KAYO MAGALIT, NAGSOSORRY NA NGA YUNG TAO EH. SANA MAGKAHIWALAY KAYO NG GF MO! ISINUSUMPA KO YAN!"

Oliver:
  "Impossible, mahal ako ng GF ko. Hindi kami maghihiwalay."

Nakakainis naman yung ganyan oh. Dinelete ko na message niya nitong gabi na ito. Nasira talaga araw ko dahil sa kanya. Pero hindi ako maniniwala sa sumpa sumpa na sinasabi niya. Mahal namin ang isa't isa ni Heart. Hindi niya ako basta basta iiwanan.

  "Bahala yang babae na yan sa buhay niya. Grabe, panira ng araw. Makatulog na nga! Maaga pa pasok ko bukas, tas may paghahandaan pa akong surprise"

Iniwan ko yung phone ko sa tabi ko. Natulog ako ng maaga. Pagkagising ko agad akong nagbihis at sinundo si Heart para sabay kaming pumasok. Nako naimagine ko ang dami naming selfie nun sa phone ko nung hiniram niya. Tapos binati niya pa ako sa monthsary namin. How sweet. On the way para siyang ewan tingin siya ng tingin ng picture sa phone ko. Siguro nagwapuhan siya sakin Haha! Tapos binigay niya na sakin phone dahil nasa tapat na yung school niya. Pero parang ang weird niya.

  "Heart koo, nasan na kiss ko?"

Hindi niya na ako pinansin, siguro meron lang siya this month kaya may mood swings. Hayaan ko na, irerespeto ko nalang siya.

Pumasok na ako ng school , inaantay ko lang talaga ang uwian para maisurprise ko na siya. Gagawin ko talaga ang best ko para maibalik ang ngiti sa mga mata niya

Uwian na! 2:40 na! Kailangan ko nang magready ng mabilis dahil 3:40 na ang uwian niya! Nagmadali ako, tinext ko kaagad ang mga bro ko para magready. Pagod na pagod ako, pero it's worth it naman eh. Para sa babaeng mahal ko.

Ayun, 3:34 na! Pumwesto na kaming apat dun sa harap ng school. Hinihintay nalang namin ang paglabas niya. Nung paglabas niya kinantahan ko siya ng song. Pero parang ang weird. Kahit nagtitinginan ang mga tao sa paligid namin, nagngingitian. Siya parang hindi man lang naimpress, ngumiti. After nun lumabas na yung friends ko, yun. Ineexpect ko sana na matutuwa siya. Pero nagulat talaga ako sa sinabi niya-

Wrong SendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon