Chapter II. - Seperation

7 0 0
                                    

"Oliver, ayoko ng ganito. Please, tigilan mo ako! Hindi mo ako madadaan sa ganito"

Napahiya ako nun. Sobrang napahiya. Lahat ng tao nakatingin at pinagtatawanan ako. Bigong bigo ako. Imagine monthsary pa namin. Tapos yun ang nangyari.

Ilang linggo akong nagpagod para planuhin tong surpresa ko para sa kanya. Grabe, bakit naman nagkaganito. Nagpaprint pa ako ng t-shirts. Gumastos ako ng sobrang rami. Nag sakripisyo ako ng lunch for a few days. Tapos ganito ang kahihinatnan?

Nagwalk out nalang siya tapos pilit kong hinahol. Pero huli na ang lahat dahil nakasakay na siya ng tricycle.

Grabe, hindi ko inexpect ito. Wala naman eto sa plano ng relationship namin eh? Bakit ganito! Ano ba ang nangyari? Nalilito na ako. Anong ginawa ko at nagalit siya ng ganyan saakin?

Sumakay kagad ako ng tricycle para mahabol ko siya. Kasi hindi ko talaga alam kung bakit siya nagkaganyan eh. Dahil ba meron siya ngayon?

Tinignan ko ang phone ko, natuklasan ko na nadelete ko lahat ng message namin nung naka wrong send sakin except dun sa unang text niya! Baka yun ang rason ng galit ni Heart kasi hiniram niya ang phone ko. Grabe baka nagkatotoo yung sinabi nung babae na magkakahiwalay na nga kami. Di pwedeng mangyari yun!

Ayun! Bumaba na siya, pero umiiyak siya. Hinabol ko siya at sinampal niya ako. Tinry kong ipaliwanag ang lahat sa kanya.

"HEART! Wrong send lang iyon! Intindihin mo ako"

"Oliver wala na, it's all over. Break na tayo!"

   "Heart! Pagusapan naman natin ito!"

  "Oliver, matagal na akong nagdududa sayo. Matagal na matagal na. Tama pala ang hinala ko."

  "Heart! HEART!!!!"

Ilang beses kong inulit yun sa kanya. Pero iniwan niya lang ako dun sa ere. Hindi ko alam na ang gagawin ko. Mahal ko si Heart. Mahal ko talaga siya. Pero masakit sa damdamin na malaman ko na wala pala siyang tiwala saakin. Na simpleng text lang kaya niya na akong iwan sa ere.

Nainis ako. Nag message ulit ako dun sa unknown number.

  Oliver:
"Malas ka talaga sa buhay ko! Nagkahiwalay kami ng GF ko dahil sayo! Bwisit ka! Malas ka! Homewrecker!"

Unknown:
"Wow, Nakakaproud. Anong meron at nag dilang anghel bigla ako? And FYI. Hindi ako ang may kasalanan, pero good. Nagkahiwalay kayo."

Oliver:
  "HINDI KA NA NAKAKATUWA! BWISIT KA MAMATAY KA NA! DI MO AKO NAIINTINDIHAN EH!"

Unknown:
"Ayy, Sorry naman oh. Wala kasi talagang forever. Or sadyang hindi talaga ikaw ang forever niya. Dadagdagan ko nga ang sumpa mo, bukas makikita mo meron na siyang iba. hahaha!"

Oliver:
"Bwisit ka! Sinira mo buhay ko! Hayop ka talaga! Kung sino ka man! Sana masagasaan ka mamaya!"

Bwisit naman oh, paano kaya kung magkatotoo nanaman yun? Na may iba na si Heart ko? Ayoko nang maniwala. Maybe it's a coincidence lang talaga.

~The Next Day~

Makapasok na nga sa school! A new day, new life as a single. Makapagbihis na nga wala na akong pake kung malate man ako. 

Hayss. Gusto ko nang umuwi. Ang boring ng buhay. Miss ko na si Heart. Miss ko na siya. Hindi ko naman alam na magkakahiwalay kami sa monthsary pa namin mismo! Grabe ang buhay ko! Ano ba ang ginawa kong masama? Simula nang dumating ang wrong send na yan nagka sira sira na ang buhay ko eh.

Ayan uwian na! Makauwi na nga. Pero bago ako makauwi, titignan ko nga muna si Heart. Tignan ko lang kung ano ang ginagawa niya. Tignan ko lang kung inis parin siya sakin. Malay mo magkabalikan pa kami. Aasa parin talaga ako

HALA!

Wrong SendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon