Chapter IV - Friends

12 0 0
                                    

Nagreply na saakin yung unknown number, matapos ang ilang linggo. Wow ha? Galing naman niya? Hindi ba naman siya nakunsensya sa mga pinaggagawa niya?

Unknown Number :
  "Oo na, nakunsensya na ako. Naranasan ko na rin kasi yang mangyari eh. Sorry talaga"

Oliver:
  "Nux naman, nagawa mo pang magreply kahit andami mo nang ginawa sa akin! At buti naman tinamaan ka ng kunsensya akala ko naman kasi pusong bato ka eh"

Unknown Number:
  "I feel you, I feel you talaga. Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman mo"

Oliver:
"Hay nako talaga tong babaeng to. Buti alam mo nararamdaman ko"

Unknown Number:
  "Mahal mo pa ba siya? Naka move on ka na ba sa kanya?"

Oliver:
"Oo matagal na, matagal na akong naka move on sa kanya!"

Unknown Number:
"Ows, maniwala ako. Alam kong mahal mo parin siya"

Oliver:
"PRAMIS DI TALAGA!"

Grabe akong magdeny, mahal ko parin naman talaga si Heart eh. Tingin niya ba madali akong makakapag move on? Hindi madali yun! Oo madali siyang sabihin pero isa siyang mahabang mahabang proseso.

Unknown Number:
"Maniwala sayong lalaki ka! Alam kong mahal mo parin siya no"

Oliver:
"Oo na, mahal ko parin siya."

Unknown Number:
  "Yan ang gusto ko sa mga lalaki, honest!"

Oliver:
"Honest naman ako sa kanya eh, bakit niya ako hihiwalayan ng ganun kadali lang?

Unknown Number:
"Teka? Bakit ka ba niya hiniwalayan in the first place?! Dahil lang ba sa isang wrong send?!"

Oliver:
"Sadly, yes. Ewan ko nga eh. Nag effort pa nga ako sa kanya. Tapos monthsary pa namin yun.

Hmm, naisip ko lang, bakit ang bait niya? Nagulat nga ako kasi ang bait niya eh. Hindi lang pala negatibo ang dala ng wrong send na ito.

Unknown Number:
"My Gahd, hihiwalayan ka na niya nun? Monthsary niyo pa nun ah!"

Oliver:
"Oo, actually may plano pa akong surprise sa kanya nun eh. Tapos napahiya lang ako"

Unknown Number:
"Tanga naman niya para gawin niya yun sayo. Bihira lang kaya yung ganyang lalaki. Biruin niyo 4th monthsary niyo?!"

Oliver:
  "Oo, pero wala na talaga eh. May magagawa pa ba ako? Hindi talaga kami para sa isa't isa."

Unknown Number:
  "Asus asus, drama mo! Teka teka, sino ka bang lalaki ka? Pakilala ka naman oh!"

Wow ha, close ba kami para ipakilala ko sarili ko sa kanya? Pero sa bagay. She made me feel a little bit better naman eh. Pakilala na nga ako.

Oliver:
  "Oliver William Santiago ako, 17 years old. Nag aaral sa UST"

Unknown Number:
  "Oliver William Santiago, in short for OWS. Nako yun na itatawag ko sayo Hahaha!"

Oliver:
  "Ang baduy mo! Ikaw naman magpakilala!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wrong SendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon