Magic 1

719 21 0
                                    


PAGMULAT ng mata ko ay siya ding pagbuka ng tinutulugan kong malaking bulaklak.

Tumayo ako tsaka nagpasalamat sa bulaklak bago lumabas. Marami na ding nasa labas, lahat sila ay masayang naglalaro, lumilikha ng mga bagay bagay, at lumilipad.

Paglipad—isang katangiang wala ako. Lahat ng magics ay taglay ko pwera lang sa paglipad. Napabuntong hininga na lang ako tsaka lumikha ng crystal ball sa palad ko. Itinaas ko ito tsaka ibinato sa ere na siyang dahilan ng pagdanak ng snow sa paligid.

"Wooowww!!" Manghang sabi ng mga bata. Napangiti naman ako sa kanila tsaka naglakad palayo.

Habang naglalakad ay ginagawa kong kulay violet lahat ng makita kong prutas.

Napahagikhik ako dahil dun. Siguradong malilintikan nanaman ako kay ina. Siya kasi ang nag-aani ng mga prutas dito at gusto niya ay yung natural na kulay talaga. Maganda daw kasi tignan kapag natural na kulay, pero para sakin mas maganda kapag violet lahat. Haha.

May nakita akong ahas sa dinadaanan ko kaya natigil ako sa paglakad at tinuro ko sa kanya ang hintuturo ko, naglabas ito ng kulay violet na parang apoy tsaka ko isinenyas sa ahas.

Natawa ako ng malakas nung naging butiki ito. Naglakad ulit ako tsaka nilaro-laro ang kamay ko habang naglalabas ito ng iba't ibang kulay.

Nadaanan ko yung lagusan tungo sa mga mortal. Mahigpit na ipinagbabawal na pumasok sa lagusan. Mapaparusahan ang sino mang magtangkang pumunta kaya walang sinumang sumusubok.

"Huli ka!"

Binugahan ko ng purple flame yung nang-gulat sakin.

"Ouch!" daing nito.

"Bakit ka ba kasi nanggugulat dyan?" Nakapamewang na sabi ko kay Eriza. Kaibigan ko.

"Nakita kasi kita dito. Ikaw ah! May balak ka noh?" Nanlalaki ang matang tanong ni Eriza.

"Wala akong balak pumunta sa mundo ng mga tao! Kaya tabi ka dyan at dadaan ako!" masungit na sabi ko.

"Tss! Sungit! Tara sa Enchanted!" Sabi ni Eriza tsaka lumipad.

Hinila ko naman siya pabalik.

"Hep hep! Baka nakakalimutan mong hindi ako nakakalipad?" Sarkastikong sabi ko.

"Oo nga pala. Tara kapit ka na lang sakin! Ang bagal bagal eh!" Asar niya sakin.

Kumapit naman ako sa kaniya tsaka lumipad. Kitang kita ko kung gaano kaganda ang pinanggalingan namin kanina dahil sa iba't ibang kulay na sanhi ng iba pang nandun na lumilikha gamit ang sarili nilang kapangyarihan.

Habang lumilipad naman kami ay lumikha ako ng maraming bahaghari sa kalangitan at ginawang violet ang nakikita kong mga ulap.

"Hindi ka ba nagsasawa sa kulay violet?" Iritang tanong ni Eriza.

"Never." Nakangiting sagot ko tsaka tinuloy ang ginagawa ko. Hihi! Ang saya!

"Kapag ikaw ang kasama ko, violet lahat ng nakikita ko. Sawang sawa na ako oh! Ibang kulay naman Purple!" Reklamo niya.

"Sige! Pagbibigyan kita ngayon bilang kapalit sa paglipad sakin." Nakangising sabi ko tsaka pinalitan ng iba't ibang kukay ang lahat ng madatnan namin sa ere.

"Ayan! Much better!" Masayang sabi ni Eriza.

"Magandang Umaga Sky!!" Sigaw namin ni Eriza nung madaanan namin si Sky na natutulog pa sa bahay niyang ulap.

Napabalikwas naman ito tsaka gulat na napatingin samin. Kinindatan ko siya tsaka tumingin sa harap.

Marami na din kaming kasabay na lumalayag sa himpapawid. Lahat kasi sila ay may pakpak, ako lang ang wala.

"Good Morning Purple!" Masayang sabi ni Hannah sakin na nasa gilid namin lumilipad, at inirapan si Eriza tsaka naunang lumipad samin.

"Tch. Bitch!" Inis na sigaw ni Eriza kaya natawa ako.

Magkaaway kasi si Eriza tsaka Hannah, nuon pa. Hindi sila magkasundo sa lahat ng bagay. Pati sa nagugustuhang kaklase namin, pareho sila ng gusto kaya nag-aaway sila parati.

Nakarating na din kami sa enchanted. Kung saan namin hinahasa ang aming kapangyarihan. At dito din nagaganap ang lahat ng pagpupulong tungkol sa iba't ibang bagay.

Bago ko pala makalimutan, ako si Purple Wizley Min. Hindi ordinaryong tao dahil sa taglay na katangian. Purple ang kulay ng aking mga mata, at maari ka nitong bugaan anumang oras kapag ginalit mo ako, isang bagay na iniiwasan ko.

Si ina lang ang nakasama ko dito sa wonderland, at ni imahe ng ama ko ay hindi ko nakita. Walang akong ideya kung anong itsura niya. Sabi ni ina ay patay na daw ang ama ko. Haays.

"Tara mag-change outfit na tayo agad! Hahaha!" Excited na sabi sakin ni Eriza.

Nilabas namin ang magic wand namin tsaka sabay namin itong ikinumpas.

Ngumiti kami sa isa't isa nung mapalibutan kami ng nakakasilaw na liwanag hanggang sa mawala ito.

Pagkadilat ko ay iba na ang suot ko, ganun na din si Eriza.

Pumunta agad kami sa Enchanted Field at nag-eensayo na lahat ng nandun. May kanya kanya kaming shield na nakapalibot sa buong katawan namin para iwas sa paparating na mahika.

"Simulan na natin." Seryosong sabi ko kay Eriza at tumango naman ito.

***
To be continued....

d^____^b

NOTE:

Hi! Welcome to my imaginary story! Ang storyang ito ay gawa ng aking malikot na imahinasyon. Gusto kong maranasan magkaroon ng super powers, kaya kahit sa istorya man lang ay kunwari meron. XD Kaya pagbigyan niyo ko, please! :) I just want to try something different! Something magical! d*__*b

You wanna try to discover a magical world too? Well then, Come and i'll show you. ;) Sabay sabay nating pasukin ang mundo ng kababalaghan.

Magical Story started: MARCH 5, 2016 // 9:30PM

x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x

Copyright © 2016

Enchanted To Meet YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon