WIZLEY's POVHABANG abala si Hectu sa pagbabantay dito sa mundo ng mga tao ay sumilay mula sa pader si Saru.
"Saru!" Tawag ko.
"Nahanap niyo na ba ang lunas?" Tanong agad niya.
"Malapit na. Dalawa na lang ang kulang." Sagot naman ni Eriza.
"Magaling. Dahil unti-unti na silang nawawalan ng hininga, kailangan na nila ang lunas sa lalong madaling panahon." Sabi ni Saru at tumango naman kami.
Pumunta kami ni Eriza sa kinaroroonan ni Hectu upang tanungin kung nasaan ang isa pang lunas, dahil siya ang nakakaalam kung saan ito.
"Hectu." Tawag pansin ni Eriza sa kanya.
"Hectu wala na kaming oras pa. Kailangan na naming makuha ang nahuhuling lunas." Pahayag ko at tumango naman siya.
Iwinasiwas niya ang magic wand niya sa ere at lumabas dun ang lugar na puno ng estudyante.
"Ano yan?" Tanong ni Eriza.
"Dyan. Dyan naroroon ang hinahanap niyo. Sa Frosty High." Ani ni hectu.
"Frosty High?" Sabay naming tanong ni Eriza. At tumango ulit siya.
"Ngunit hindi namin alam kung saan yan." Sabi ko.
"What's the use of your powers?" Nakangiting sabi nito.
"Salamat hectu. Pupunta na kami ngayon." Paalam ko.
"Mag-iingat kayo. Gamitin niyo ang kapangyarihan niyo kung kinakailangan." Pahabol ni Hectu.
Pumasok na kami sa magic portal at naghawak kamay kami ni eriza.
"Wish us luck." Sabi ko sa kaniya at ngumiti naman siya ng alanganin.
Pagkarating namin dun ay agad kaming nagbalance gaya ng sabi ni Hecti.
Sa isang sulok kami ng eskwelahan napadpad at hindi na kami nagulat nung makitang iba na ang damit namin. Uniform na!
"Bagay pala sayo ang uniform nila." Sabi ni Eriza sakin.
"Ikaw din!" Nakangiting sabi ko.
Pumunta na kami sa hallway at maraming tao duon.
Geez! Hindi ako sanay sa mga mortal!
"Pst purple, para kang tanga. Relax lang!" Bulong sakin ni eriza (red).
"Bilib ako sayo dahil parang sanay na sanay ka sa mundo ng mga tao." Bulong ko dn sa kanya habang naglalakad.
Napatingin ako sa kanya NUNG humagikhik siya. "Omygod red. Wag mong sabihing tumatakas ka?!" Gulat kong tanong pero pabulong.
"Mamaya ko na lang sasabihin. Tara hanapin na natin yung lunas." Bulong naman niya.
Napa-tsk na lang ako. Nagpapasalamat ako dahil walang tumuon ng atensyon samin.
Biglang umilaw ang Bato na hawak ko. Bato na binigay ni Hectu para malaman kung saan ang lunas. Iilaw ito kapag malapit na kami kung nasaan yun.
"Tara sa kwartong yun." Yaya ko.
Maingat kaming pumasok dun. Nilibot namin ang paningin namin, isang malawak na kwarto na kulay puti.
Base sa napagaralan namin, isa itong laboratory.
"Purple, tignan mo ito!! Dali!!" tawag pansin sakin ni Eriza at pumunta agad ako s akanya.
Isang nakakulong sa maliit na bote ang maliit na alitaptap.
"Itong alitaptap ang huling lunas!!" Masayang litanya ko tsaka kinuha ang maliit na bote.
"Sino yan?" Sabi ng pamilyar na boses ng lalaki. Kaya agad ko namang ibinulsa ang bote at gulat na napalingon sa isang pintuan.
"Umalis na tayo dito." Sabi ni eriza habang kinukuha sa bulsa niya ang bean na para sa magic portal.
"May tao pa ba rito sa lab? Yuhoooo!" Sabi ng papalapit na papalapit na boses.
Agad akong napatingin kay eriza dahil hindi niya makuha kuha ang bean sa bulsa niya!
"Bilisan mo!" Pagmamadali ko sa kanya.
"Hindi ko mahanap. Saglit!" panay ang baliktad niya sa bulsa niya.
"Eto na!" Pasigaw ngunit bulong ni eriza.
"Sino sab----I-Ikaw?!" Muntik na akong napatalon nung makita ako ng isang pamilyar na lalaki.
Napatingin ako kay eriza at nakapasok na siya sa magic portal. Gulat akong napatingin sa lalaki dahil nakita niya ang lahat!
Nakanganga ito at tila'y hindi alam ang sasabihin.
"M-minamaligno nanaman ba ako?!" Malaki ang mata nitong tumingin sakin tsaka sa magic portal at hinawakan ang buong mukha niya.
"Isa lang itong guni-guni." Sabi ko tsaka siya ginamitan ng kapangyarihan ko.
Pumasok agad ako sa magic portal at agad akong sinalubong ni Eriza.
***
Thank youuuu!!!
BINABASA MO ANG
Enchanted To Meet You
Mystery / ThrillerI'm an enchantress and i was destined to meet this psycho man.