Magic 5

165 13 7
                                    


WIZLEY's POV

"Ano bang ginagawa mo dun?!" Tanong sakin ni Eriza ng makarating kami dito sa bahay ni Hectu.

"Wala. Namamasyal lang." Balewalang sabi ko.

"Hoy wizley--este purple! Wag ka ngang namamasyal ng mag-isa mo lang. Sabihan mo ako!" Dabog na sabi niya.

Purple ang dapat itawag sakin dito, at siya naman ay Red.

"Oo na lang Red! Tss!" Sabi ko tsaka nahiga sa sofa.

'Ayos lang kaya yung lalaking yun?'

Naalala ko kanina nung muntik na akong mabangga pero naunahan ko ito. Tumakbo agad ako. Ang normal na takbo sa wonderland, ay 100 times  na mas mabilis kapag nandito ka sa mga mortal. Pwede mong kontrolin, pero mahirap.

Natawa ako nung maalala ko ang reaksyon ng mukha nung lalaki. Hinaplos ko ang pisngi kong hinawakan niya. Pakiramdam ko ay nararamdaman ko pa ang haplos niya sa balat ko. Geez!

"Hoy!" sigaw ni Eriza sakin sabay bato ng unan.

"Ano ba!" Galit na sigaw ko din.

"Ano't pangitingiti ka diyan mag-isa mo?! Aber?!" masungit na tanong nito.

"Tss. Wala!" Sabi ko tsaka tinapunan siya ng maraming bulak na nilikha ko.

"Pwe! Pwe! *cough* Ikaw ba ay may lihim na pagtingin sa lalaking yon?" Tanong niya na inaalis pa ang mga bulak sa katawan niya.

Inis naman akong tumayo tsaka siya binugahan ng Purple Flame ko gamit ang kanang kamay.

"Bwisit ka!" Sigaw ko tsaka tumakbo papunta sa kwarto ko.

Narinig ko pa ang tawa nito sa labas.

'Walang magawa sa buhay!'

***

K I N A B U K A S A N!!

SILVER's POV

PAGKARATING ko sa university ay agad akong sinalubong ng maraming tanong nila Bryan at Cody.

"Hoy silver! Anong nakain mo at hindi ka sumipot sa Finish line?" Tanong ni Bryan.

"Niloloko mo ata kami kahapon eh!" Sigaw ni Cody.

"A-ano ba! Tumahimik nga kayo!" Sigaw ko sa mukha nilang dalawa.

"Oh eh bakit ininjan mo kami kahapon dre?! Tsk tsk tsk! Wala to eh, nang-iinjan na! Hahahahahaha!" Biro ni Bryan.

d>>_<<b

'Siraulo!!'

"Nangchixx ka no?--Aray!" biro ni Cody. Binatukan ko ito.

"Mga bwisit kayo! Hindi ganun yun! May i-iniisip lang ako k-kaya nakalimutan kong pumunta sa Chua field!"

"A-anak ng! Nakalimutan mo dre?! Nakalimutan?!! Pucha! Eh ikaw pa nagyayang magcar racing!!" Sigaw ni bryan.

"Kaya nga! T-teka, bakit ba naninigaw ka?!" Sigaw ko din sa kanya.

"Sa nakakainis ka eh! Nakalimutan, nakalimuta---"

"Kasi nga may nabangga ako!" Putol ko at nagulat naman silang dalawa ni Cody.

"W-what?!" cody

"P-paano? Namatay ba? Sa---"

"Ang weird kasi! Hindi ako nakabangga na hindi mo maintindi---"

"naknampucha naman dre! Mahaheart attack na ako tapos hindi naman pala? Gaguhan ata tayo dito!" Binatukan ko si Bryan.

d>>//<<b

"E ano ba kasi?!" Iritang tanong ni cody.

Kwinento ko lahat sa kanila. As in magmula simula.

Tinignan ko sila at hindi sila nagsalita.

"Pffft.. Bwa-bwahahahahahahahaha!"

"Hahahahahahaha!"

d-___-b

'Mga ulol!'

"A-ano ba! Wag nga kayong tumawa!" Sigaw ko.

"Hahahahahaha! E kasi dre--hahahahaha!"

"Hahaha! Ilang katol ba nasinghot mo kahapon dre? Hahaha!"

"Hanep na imagination yan lintek! Hahahaha!"

d>>///<<b

"Totoo ang sinasabi ko. Pakyu kayo!" Iritang sigaw ko!!

Tawanan daw ba ako!!!!

Tumigil na sila sa pagtawa at naging seryoso nung makitang seryosong seryoso ako.

"T-totoo talaga?" Tanong ni Cody.

"Oo! Kitang kita ko sa dalawang mata ko dre! Isang ruler na lang, mababangga na siya!"

"Tapos nawala na parang bula? Kalokohan dre! Hahahaha---aray!"

"Gago! Nagsasabi ako ng totoo!" Sigaw ko s amukha niya!

"Baka naman nakainom ka dre?l tanong ni cody.

"Nakita niyo ba akong uminom ng alak? E halos buong oras magkakasama tayo diba!!"

"Oo nga pala. E baka hallucination mo lang yan dre?"

"S-siguro." Nakangusong sabi ko.

"Wag ka kasing nagpapaniwala sa sinasabi ng prof natin, hahaha! Ano ano tuloy naiimagine mo! Laftrip ka dre hahaha!" Bryan

"Pakyu!" I raised my middle finger at tumawa naman silang dalawa ni cody.

'Badtriip!!!'

***

Enchanted To Meet YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon