Magic 7

104 6 3
                                    



ERIZA's POV

"Saan naman tayo pupunta ngayon Eriza?"

Hmm.. Saan nga ba?

Kasalukuyan kaming naglalakad dito sa daan na kung saan maraming dumadaang mga sasakyan.

Pagtingin ko sa kanan ko ay nanlaki ng todo ang mata ko ng nandun ang Frosty High.

"Alam ko na!" Malakas na sabi ko.

"Huh? Saan?" Tanong ni purple.

"Sa frosty high!" Nakangiting sabi ko.

"E-eh? Hindi nga natin alam kung saan banda yun e."

"Tangek! Ayan na nga oh!" Turo ko sa kanan ko.

"O-omygod! Oo nga!" Gulat naman na sabi nito. Hahaha!

"Tara." Yaya ko pero pnigilan niya ako. "Bakit?"

"Papasok tayo ng ganito ang suot natin?" Takang tanong niya at nginitian ko naman siya.

***

"Ang daming tao." Manghang sabi ko. Maraming nagkalat na nakauniform.

"Mga estudyante ang tawag dyan." Sabi naman ni Purple.

Aah.

***

SILVER's POV

Ano ba yan!

Ang boring talaga ng subject na to! Guess what?! Si prof kuliling nanaman ang nagtuturo sa harap! Kung ano ano ang tinuturo na este engkanto, dwende, pwe!

Kasalanan niya kung bakit lagi akong naghahallucinate! P-pero hallucinate ba talaga o totoo?

"WENGYA!!"

(O__O)

S-si....

"MR. KIM! ANO BA'T SUMISIGAW KA SA GITNA NG AKING KLASE!!"

Takte!! NAKITA KO!!!

N-nakita ko si Miss kabute! D-dito pala siya nag-aaral???! How come?!!!

Lumaki ang mga mata ko ng makita ko sa bintana ng classroom na tumingin ito sa'kin na parang nagulat pa.

"WAAAAAAAAHHHHHHHH!!!" Takot na sigaw ko dahil pagkakita ko dun ay wala na agad siya! Pucha!

"MR. KIIIIIIIIIIIIIM!"

"Uy tol." Bumalik ako sa wisyo ng danggilin ako ni bryan.

"Ano bang nangyayari sayo?" Takang Tanong ni derick.

"Ha? E-eh...." Pano ko ba ipapaliwanag?! Bwisit! Siguradong pagtatawanan nanaman ako ng mga pesteng to.

"Kanina ka pa tinatawag ni Prof." Gulat akong napatingin kay prof na salubong ang kilay at parang puputok na anumang oras.

"M-miss."

"Mr. Kim!" Galit nitong sabi.

Kaya naman tumayo ako agad. "Yes miss."

"What's going on with you Mr. Kim?! Sumisigaw habang naglelecture ako?!" Sigaw ni miss.

Takte! Oo nga pala. Nasigaw ko kanina. Bushit.

"Hahahahahahaha!" Tawanan ng lahat pasimuno syempre ang dalawang gago sa tabi ko.

"I'm sorry miss." Sabi ko agad habang nakayuko.

Enchanted To Meet YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon