Magic 3

193 13 1
                                    



KASALUKUYAN kaming nag-eensayo sa sarili naming mahika ng marinig namin ang sigaw ng isa sa mga tagapagbantay ng wonderland.

"Mahal na hari! Mahal na hari!" Malakas na sigaw nito kaya lahat kami ay napatingin sa kanya.

Mabilis itong tumatakbo at hahangos-hangos papunta sa mahal na hari na nasa taas lamang ng Enchanted field.

"Ano iyon Saru?" Takang tanong ng hari.

"Nagkakasakit na po ang lahat ng fairies sa Fairytopia at patuloy na rin ang paglanta ng mga halaman, mahal na hari."

Napuno agad ng pag-aalala ang mga mukha namin nung marinig namin ang balita ni Saru. Ito ay sanhi marahil ni Wago! Ayon sa nalalaman ko ay, isa din siyang wizard katulad namin. Subalit, may nangyaring hindi maganda kaya't naging masama siya. Unti-unti niyang pinapatay ang lahat dito sa wonderland, at hindi ko gusto iyon.

Napapikit ang mahal na hari. Nagulat ako nung pagdilat nito ay sa akin agad nakatingin. Napalunok ako sa hindi malamang dahilan.

"Wizley." tawag ng hari sa akin.

"M-mahal na hari." Sabi ko tsaka yumuko upang magbigay galang.

Tumango ito sa akin tsaka itinuon ang paningin kay Saru.

"Maghanda kayo. Pupunta tayo ng Fairytopia, ngayon din." Utos ng hari kaya napatayo agad ako.

Ramdam ko ang tinginan ng lahat ng nandito sa akin. May mga nagtatanong na tingin ang ipinukol nila sakin. Ako man ay nagtatanong din kung bakit ako?

'Bakit nga ba ako?'

Itinaas ng hari ang kanyang mahabang wand hudyat ng pagbukas ng lagusan patungong fairytopia, dali dali kaming pumasok dun.

Nandito na kami sa fairytopia at ang kulay berdeng paligid ay nagiging kulay brown na. Pumunta kami agad sa kaharian ng Fairytopia upang alamin ang nangyari.

"Mahal na hari!" Agad na salubong sa amin ni Fairy God Mother.

"Ano pong nangyari dito?!" Singit kong tanong.

"Sumalakay si Wago dito at hindi namin siya kaya dahil sa dami ng kanyang alagad. Pinipilit niyang kunin sa akin itong Magic Gem ko ngunit nanlaban ako at hindi ko ito binigay." Naiiyak na sabi ni Fairy Godmother na mahigpit ang kapit sa kanyang kwintas na may pendant ng Magic Gem.

Magic Gem, ang isang dyamante na simbolo na ikaw ay makapangyarihan. Kapag mayroon kang Magic Gem ay isa ka sa mga nakatakdang tagapangalaga sa buong mundo, maging sa mundo ng mga tao.

Sumisimbolo din ang Magic Gem na pwede kang pumunta o mamalagi sa mundo ng mga tao.

"Nagsisimula na siya." Mahina ngunit nandoon ang pag-aalala sa boses ng hari.

"Binantaan niya ako na kapag hindi ko daw ito binigay sa kaniya pagkatapos ng dalawang araw ay papatayin niya ang lahat ng n-nandito. Kukunin niya lahat ng Magic Gem sa atin, mahal na hari. A-at kapag nangyari yun---"

"Hindi ko hahayaang mangyari ang sinasabi mo. Kailangan nating pigilan ang masamang balak ni Wago sa wonderland." Putol ng hari.

"Pero sa ngayon ay kailangan muna nating gamutin ang lahat ng mga fairies dahil sa tinamong lason." Dagdag ng hari.

"S-salamat mahal na hari."

***

Tinipon nila ang lahat ng mga fairies sa isang lugar dito sa fairytopia. Sinubukang silang pagalingin ng hari subalit hindi ito kaya.

"Kakaibang lason ang ginamit ni wago. At Matatagpuan lamang ang lason sa mundo ng mga tao." Makahulugang sabi ng hari.

"I-ibig po bang sabihin sa mundo din ng mga tao matatagpuan ang l-lunas?" Utal na tanong ko. At tumango ang hari.

"P-pero paano po iyon? Paano po tayo kukuha ng lunas sa mga mortal?" Tanong ko.

Ngumiti sakin ang hari ng kakaiba. "Kaya kita isinama dito ay alam ko ng mangyayari ito. Ikaw ang napili kong pupunta sa mundo ng mga tao." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng hari.

'Ako? Pupunta sa mga mortal?'

"Pero b-bakit po ako mahal na hari? " naguguluhang tanong ko.

"Dahil iyon ang utos ko at nararapat lang na sundin mo ako. Sa iyo nakasalalay ang fairytopia. Nasa iyo na iyon kung tutulungan mo sila o hindi." Ma-awtoridad na sabi ng hari kaya napayuko ako.

'Buhay ng mga fairies ang nakataya! At kailangan nilang mabuhay!'

Tumingin ako sa mga fairies na walang malay at mga walang buhay na mga pakpak. Napatingin din ako kay Fairy godmother na nakatingin sakin, umaasang sumangyon ako sa hari.

"S-sige po mahal na hari." Bumuntong hininga ako ng malakas.

"Magtiwala ka lang sa iyong kakayahan." Makahulugang sabi ng hari sa akin.

"Bukas na bukas ay kailangan mo ng pumunta sa mundo ng mga tao. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapakita ng kapangyarihan sa mga mortal, hanggat maari ay iwasan mo sila." Sabi ni Saru. At tumango naman ako.

"Alam kong maalam ka sa mga bagay bagay na nandoon sa mga mortal dahil pinag-aaralan niyo ito sa Enchanted. Maging maingat ka sa lahat ng bagay. Wag kang mag-alala dahil nandoon si Hectu. Duon siya namamalagi sa mundo ng mga tao. Alam kong hindi ka niya papabayaan duon." Mahabang litanya ni Saru. Siya kasi ang inatasan ng hari na magsabi sakin ng lahat lahat.

Nagpatuloy si Saru at puro tango lang ang ginawa ko. Mabilis na lumipas ang oras at umuwi na din kami.

***
To be continued...

Enchanted To Meet YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon