Magic 2

213 13 1
                                    


"Abracadabra!" Sigaw ni Eriza habang pinaiikot niya ang kaniyang wand.

Nanatili naman akong nakatayo habang pinagmamasdan siya. Tss. Inilabas ng kaliwang kamay ko ang libro ng mga mahika tsaka ko ito binuklat gamit ang mata ko.

"Hazza sussa hazza sussa hazza sussa." Paulit ulit na bulong ko habang nakapikit.

Hindi ko pinansin ang ingay sa paligid at nanatili akong nasa konsentrasyon.

Nung matapos ay idinilat ko ang aking mga mata. Nagulat ako nung makita silang lahat na hindi gumagalaw na animong naging bato.

'A-anong nangyari?'

Gulat kong tinignan si Eriza na hawak hawak pa rin ang magic wand niya at nakabuka pa ang bibig.

"Wizley!" Gulat akong lumingon sa taas at nandun si ina.

'Bakit si kapag si Ina ay gumagalaw?'

"Ina!" Tawag ko.

Gamit ang pakpak ay lumipad si ina papunta dito. Oo, may pakpak din si Ina samantalang ako ay wala. Tch!

"Ibalik mo sila sa normal." Utos ni ina.

"P-pero hindi ko alam."

"Pumitik ka lang sa hangin." Sabi niya kaya sinunod ko naman.

Bumalik nga sila sa dati na parang hindi nila alam ang nangyari sa kanila.

'Ganun pala.'

"O-oh, Mother Earth, nan-nandito po pala kayo, hindi ko kayo namalayan. Hehe." Nagtatakang sabi ni Eriza kay ina.

Mother Earth ang bansag kay ina dahil siya ang tagapangalaga ng kalikasan dito sa Wonderland, pati na din sa mundo ng mga tao. May mga inutusan si ina na magbantay sa mundo ng mga tao. Babalik lang dito kapag magbabalita.

"Aalis na din ako." Ngumiti si ina sa kanya tsaka tumingin sakin. "Huwag kang gagawa ng ikapapahamak mo, naiintindihan mo wizley?"

"Purple nga kasi, mother earth!" Asar na sabi ko.

"Tigilan mo ako Purple Wizley. May pupuntahan pa ako. Maiwan ko muna kayo." Sumimangot ako pero pinandilatan ako ng mata ni ina.

"Sige Mother Earth! Ingat po kayo!" Sigaw ni Eriza.

***

Enchanted To Meet YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon