Chapter 14: Night

16.8K 229 38
                                    

Napagod ako sa paglilinis ng malinis na bahay.

HAHAHAHA.

Wala kasi ako maggawa.

Alangan namang daretsong tulog ako pagka-bake namin ng FAIL na cake.

Tinulungan ako ni John.

Pero syempre di ako nagpatulong.

Kung magpapatulong pa ako, eh di lalo na wala akong naggawa.

Pinaupo ko na lang.

Syempre bukas papasok na naman sya.

_

Umupo ako sa kama.

J: "Sabi sayo, dapat tinulungan na kita"

"Ano pa itutulong mo eh ang linis na nga ng bahay."

J: "Yun na nga pinagtataka ko, bakit ka naglilinis? Eh wala ka namang lilinisin?"

Sa totoo lang, medyo awkward pa din kasi.

Di ko alam kung paano ang mamuhay ng mag-isa.

Well, hindi naman talaga mag-isa.

Pero yung agarang maging may bahay?

Ang bilis nga eh, adjust-adjust din pag may time.

Humiga si John sa tabi ko.

Sabi ko nga, nakaupo lang ako.

Lalo tuloy ako nakaramdam ng pagkailang.

Di kasi ako sanay.

-___-

Napa-lunok naman ako e.

J: "Back to work na naman bukas."

"Oo nga. At ako, pasukin ko bagong part-time business ko."

J: "Part-time business?"

"Hindi mo pa ga naman alam? Diga'y mag-bebenta ako ng cupcakes or kung ano mang desserts."

J: "Kailangan pa ga yun? Pahinga ka na lang dito sa bahay. Ilang buwan o linggo na lang naman eh magbubukas na ang restaurant natin."

"Pero John, ang boring sa bahay."

J: "Papuntahin mo na lang sina Trish dito... Para may maggawa ka."

"Pero hindi naman palagi pupunta sila dito, tsaka isa pa, hindi naman ako mahihirapan, kasi sanay naman ako magluto."

J: "Eh paano kapag pupunta sa mga lugar lugar? Sa pagbebentahan mo?"

"Ano ka ga naman John, para namang senyorita ako dito. Hayaan mo na lang, kaya ko na yun."

J: "Magpapadala ako ng driver dito at sasakyan, para tuwing may idedeliver ka, may maghahatid at sundo sayo. Tsaka sigurado ako na safe ka."

"John! San ka naman nakakita ng naglalako ng pagkain eh naka-kotse pa?"

J: "You!"

"Ano ga John! Tigilan mo nga ako, ah basta! Wag mo akong ituring na senyorita. Hello, dalawa tayo dito. Baka sabihin ng pamilya mo, kinakawawa naman kita."

J: "Kaya nga ako nagtatrabaho, para di ka na mahirapan."

"Gusto ko naman ang gagawin ko eh, yaan mo na."

Second Chance Book 2: Our Destiny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon