Sorry late update!
Naging busy kasi eh.
And magiging busy na ulit!
Tinaasan ko na ulit ang kota!
Sa Jan 7 po pasukan namin so baka 2-3x na lang ulit ako maka-update per week ha! :)
__
PS: Di na rin magiging gaano kahaba itong story.
Kaya may konting pagskip ng days! HEHE pero yung flow ng story di naman gaano nag-skip.
___
Belated Happy New Year everyone:)
_____
P: "Ang sakit na ng batok ko -__-"
"Kasi, sabi naman sayo ngangayon nga ako nakahawak ng manibela eh."
P: "Ilang linggo na kitang tinuturuan, bale isa o dalawang beses kada linggo, pero hanggang ngayon. Yung pag-preno di mo pa makuha? Jam naman eh"
"Eh anong magagawa ko kung talagang hard akong mag-preno."
P: "Wag mo kasi biglain! Sa kakabigla mo, yung ulo ko titilapon na sa labas eh."
"Ang hirap naman kasi Paul!"
P: "Mapeperpekto mo na yan, konti na lang. Marunong ka na nga mag-drive. Pero problema talaga sayo, di ka marunong mag-preno ng dahan-dahan."
"Kasi naman natataranta ako eh."
P: "Bakit naman?"
"Baka kasi maya-maya, kapag mahina preno ko, may dumaan o ano, masagasaan ko pa."
P: "Paano ka makaka-sagasa? Eh nasa open field tayo? Wala ditong nakaharang o kaya naman dadaan!?"
"Aba masasabi ga naman natin sa totoong buhay?!"
P: "Sabagay, pero, dahan-dahan lang sa preno okay?"
"Madali na tong preno, ituro mo naman sakin kung paano mag-parking."
Napakamot sya sa ulo.
P: "Di kasi ako marunong magturo ng parking."
"Paano nangyare yon? Eh ang dami mong sasakyan!"
P: "Oo nga, ibig kong sabihin, I can't explain para maintindihan mo."
"Eh gusto kong matuto nyan kasi"
P: "Hmmn. Ganito na lang.... May tanong ako.."
"Ano?"
P: "Medyo matagal na rin naman simula nung naghiwalay kayo ni John, tama?"
"Oh tapos?"
P: "Naka-move on ka na diga?"
"Oo naman, bakit?"
P: "Sya lang ang kakilala ko na magaling magturo kung paano magparking ng sasakyan."
"Anong gusto mong mangyare?!"
P: "Tutal, sure naman ako na di ka na magpapaapekto o kaya naman wala na sayo to. Gusto mo sya na lang magturo sayo kung paano mag-park?"
"ANO?!?!! Gusto mo Nanay ko mismo ang bumugbog sayo ha?!"
BINABASA MO ANG
Second Chance Book 2: Our Destiny (Tagalog)
Romance(2nd book) Sabi nga sa kasabihan "We were born to be true not to be perfect" Lahat ng tao nagkakamali. Ang tanging magagawa lang natin ay itama ang mga mali. Maki-jamming kay JAM sa pagpapatuloy ng istorya ng kanyang lovelife. Happy ending pa rin ka...