Chapter 38: Unexpected

14.1K 256 85
                                    

Sorry sa super late update.

Busy po talaga

__________

"Ano po?"

MC: "Ang sabi ko, manghuhula ako dati."

Para akong nabingi sa mga sinabi nya.

"Manghuhula? Seryoso po kayo?"

MC: "Oo iha, bakit, mukha ba kong nagbibiro?"

"Ay hindi namna po... Kaso ang weird ng pakiramdam ko."

MC: "Bakit?"

"Ang hirap po ipaliwanag."

MC: "Pamilyar ka sakin iha, alam mo yun?"

"Teka po, bakit sabi nyo po dati kayong manghuhula, bakit ngayon ga po hindi na?"

MC: "Hindi na."

"Bakit po?"

MC: "Wala lang, humina na rin yata yung powers ko" sabay tawa.

Di ako makatawa kasi nawi-wierdohan ako.

Totoo pala yung manghuhula sa panaginip ko? O___O

MC: "May problema ba iha?"

"Eh kasi...."

MC: "Ano?"

"Napapanaginipan ko po kayo."

Nagulat sya.

MC: "Ako? bakit?"

"Manghuhula po kayo sa panaginip ko. Unang beses nung college po ako tapos ang kasunod na ay nitong mag-fiance na kami ni John. Parang nagpaparamdam lang po kayo kapag may lovelife ako. Parang ganun po, di ko rin po maintindihan."

MC: "Kahit ako di ko maintindihan, pero... ay wait!!!!"

"Bakit po?"

MC: "Alam ko na kung bakit pamilyar ka sakin."

May pinakita syang drawing sakin.

"Ako po yan ah?"

MC: "Napanaginipan na kita once!"

"Ha? talaga po?"

MC: "Lahat ng mga napapanaginipan ko na malinaw sa aking memorya and itsura, ginuguhit ko."

"Bakit naman po?"

MC: "Naniniwala kasi ako sa sinasabi nila na, those individuals that you met in your dreams, that you never met before, there's a bigger possibility of meeting them in your waking life. That's serendipity for me iha. Mga taong yun ay naka-tadhana para sayo na makilala mo."

"Wow ang galing naman po. Ano po yung napanaginipan nyo sakin?"

May tinuro sya na nakasulat sa drawing.

MC: "Napanaginipan kita last week lang oh. Sinusulat ko kasi ang date. Malilimutin na kasi ako, tumatanda na ganon. Wala naman msyadong matandaan sa panaginip ko sayo. Basta kadalasan ng napapanaginipan ko, dumadaan lang o nakakausap lang saglit. Pero wag mong iisipin na weird ako dahil sa isang taon siguro once lang ako makapanaginip ng isang tao na di ko kakilala, minsan nga hindi pa sa isang taon. Random lang iha."

Ngumiti sya.

MC: "Oh see iha, totoo ang pananaw ko. Nameet kita!"

Sobrang saya nya.

Pero ako may tanong na nabuo sa isip ko.

"Eh Madam, may tanong po ako."

MC: "Sige ano yun?"

Second Chance Book 2: Our Destiny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon