Nagulat sya sa sinabi ko.
J: "Pero Jam... Alam mo naman na I have errands to run.."
Sumenyas sya na parang gusto nya na talagang umalis.
Matuto ka ng leksyon John.
"Pero John. Kailangan ko talaga ng kasama."
M: "Bakit, mas importante pa ga yang errands errands mong yan sa anak ko?"
J: "Hindi naman po."
M: "Aba eh di di-ne ka laang, alam mo namang may sakit eh."
Di na nagsalita si John.
Habang nanunuod ang mga Mame sa salas.
Nasa kusina kami at nag-uusap ng pabulong.
J: "Jam, anong ginagawa mo?"
"Nakaupo sa harap mo. Di ga obvious?"
J: "Jam. Di ako nakikipagbiruan. Alam mo namang may nagiintay sakin."
"Oh, bakit, pinakekelaman ko ga kayo?"
J: "Sinabi mo kay Tita na di mo kayang mag-isa, at kailangan mo ng kasama."
"Oo nga, sinabi ko ga na ikaw? Assuming."
Kung mag-usap kami akala mo walang nangyareng sampalan kahapon.
J: "Syempre ako lang naman ang ipapaiwan nila sayo kasama mo eh."
"Aba eh di umalis ka, hindi naman kita pinipilit."
J: "Jam, kung galit ka sakin dahil sa nangyare, wag mo namang ibaling pati kay Alyna."
Kapal talaga ng mukha!!
"Anong pakelam ko sa inyo ni Alyna?! Ako pinilit mo lang ako umuwi sa condo mo, dahil sa bwiset na singsing na to, ngayon kung gusto mo, sasabihin na natin ang totoo at asahan mo na hindi mo na kailanman makikita ang singsing mo, dahil tyak na kahit naman pumayat ako at matanggal ko to, hinding hindi ka na papalapitin sakin ng mga Mame. Ano?! Hindi ako nanakot, sinasabi ko lang kung ano ang kahihinatnan ng katangahan mo!"
J: "Are you angry?"
"Ay putapete. Naturing na businessman, tanga pala."
Nakakainis yung tanong eh!
Nakakaloko!
Hello, tanungin ga kung galit ako?
Malamang hinding hindi mawawala ang galit ko sa kanila.
Wala akong pekalam kung masaktan sya sa mga sinasabi ko.
Nararapat lang to sa katangahan nya!
J: "Nevermind."
"Oh ano?! Umalis ka na. Di rin naman kita kailangan dito, wala rin akong mapapala sayo."
J: "Jam, look. Pwede namang maging maayos ang pagsasama natin dito, wag lang sana daanin sa init ng ulo. Kilala mo ko, ayoko lagi tayong nag-aaway."
"John, tanga ka ga o nagtatanga-tangahan lang? Gumising ka na! Wala na tayo, may iba ka na. Nagsasama lang tayo sa iisang bubong pero wala na tayo! Wala ng pakelaman, wala ng lahat! Kung anong gusto mong gawin, gaya ng sabi mo, gawin mo! Kaya wag mo ako pagsasabihan o pakekelaman din sa mga gagawin ko. Kaya kong patunayan sayo na kaya ko ang sarili ko at hindi ko kailangan ang isang katulad mo! Wala kang pakialam kung galit man ako sayo o hindi, dahil emosyon ko yon. Di mo na ko hawak. At binibitiwan na kita, dahil ayaw mo yung sinasakal ka diga? Oh bakit ngayon parang may concern ka kung nag-aaway tayo? Dapat wala ka ng pakealam, dahil andito lang ako para sa singsing mo, pagkatapos ng palugit ng Mame, walang wala na tayo. Wala ka ng maririnig sakin, at hinding hindi na ako magpapakita sayo. Mag-krus man ang landas natin, asahan mong WHO YOU ka sakin!"
BINABASA MO ANG
Second Chance Book 2: Our Destiny (Tagalog)
Romance(2nd book) Sabi nga sa kasabihan "We were born to be true not to be perfect" Lahat ng tao nagkakamali. Ang tanging magagawa lang natin ay itama ang mga mali. Maki-jamming kay JAM sa pagpapatuloy ng istorya ng kanyang lovelife. Happy ending pa rin ka...