Chapter 46: Happy & Satisfied

13.3K 239 81
                                    

Bago umalis kina Madam Cielo.

May binulong sya sakin.

M.C: "May mga bagay na hindi natin maintindihan kung bakit nangyayare, pero tandaan mo, lahat ng nangyayare ay may rason. Wag kang magtataka kung may isang bagay na hindi mo maipaliwanag...."

"Ho? Di ko maintindihan."

M.C: "Second Chance iha.... Yan ang magpapasaya sayo... Dyan mo matatagpuan ang totoong DESTINY mo... Parati ka lang mag-dasal at sigurado na kung ano ang dapat sayo eh mangyayare at mangyayare."

"Bakit nyo po sinasabi sakin yan ngayon?"

M.C: "May pakiramdam ako na isang araw may mangyayareng hindi kapali-paliwanag."

"Ano po yun?"

M.C: "Basta iha. Magtiwala ka lang."

________

After 1 month.

K: "Oh yan bestfriend! Ang laki na ng nabawas sa weight mo!"

Nagtitimbang ako sa may bahay.

"Oo nga pero..."

K: "Pero ano?"

"Ayaw pa rin matanggal nung singsing sa kamay ko!"

Patingin nga?

Pinilit nyang hilahin ang singsing sa daliri ko.

"ARAY!!!"

Hinila nya pa rin.

"ARAY!! Wag na nga! Ang sakit na eh."

K: "Ano ga naman yan, para namang ayaw talaga umalis ng singsing na yan sa daliri mo."

"Alam ko na..."

Pumasok ako sa loob.

At kumuha ng kutsilyo.

Lumabas ako.

Nanlaki ang mata ni Kaye.

K: "Jam!! Wag mong gagawin yan! Hindi yan ang solusyon!"

"Huh?"

K: "Bitiwan mo yan!"

"Ayoko nga."

K: "Maghunos-dili ka!"

"Para hihiwain lang eh."

K: "Jusko po, kung alam ko laang na magiging ganyan ang takbo ng utak mo, eh di sana di mo na lang nakilala etong John na to, para di ka namomroblema ng ganyan!"

"Anong sinasabi mo?"

Hihiwain ko na.

K: "WAG!!!"'

Sabay hiwa ng mansanas sa table.

At binato kay Kaye ang kalahati.

K: "Anak ka naman ng putakte oh, akala ko naman hihiwain mo na daliri mo."

"Agad agad?!"

K: "Sabi mo kasi kanina eh... Ewan, parang kang tanga bhes."

Second Chance Book 2: Our Destiny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon