Napatanga lang ako sa lalaking kaharap ko ngayon. I want to laugh so bad but he seems serious. Marahan niyang kinuha ang isa ko pang kamay na natuyuan na ng dugo. Hinugasan niya ito at binendahan. Habang abala siya sa pagbebenda ay nakaramdam naman ako ng bahagyang pagyanig ng building. Napakapit naman ako sa lamesa samantalang si Uno ay kalmado lang sa tabi ko.
"What exactly is happening? Sabi mo hindi ako umalis. So you mean nandito lang ako in the first place?" naguguluhang tanong ko sa kanya. I need an explanation. How the heck I never left? Ramdam ko pa ang presensya ko sa lugar na iyon. Nakakakain at nakakatulog rin.
Wait? Am I hallucinating?
Napahilot naman sa sintido si Uno.
"You used your ability to go back in the past." Napataas naman ako ng kilay sa tinuran niya. Past? Napailing naman ako. This is too much to take in. Ngayon naman ability ang pinaguusapan. If i'm not hallucinating then I must be dreaming.
"Like us, you do have this ability. You can't remember it just yet because of the timeline you went in. Now, sa tingin mo ilang taon ka na?" He eyed me hoping for me to take this seriously.
"Sixteen." I answered like as a matter of fact. Damn he's mental. Now age ko naman pinaguusapan. Isa pang weirdo niyang tanong, I'm close on losing my shit.
Napailing naman siya.
"You're Twenty Four." Napatawa naman ako. That's it I'm out! He's indeed mental. Pero napatigil ako ng manatiling seryoso parin ang tingin niya.
"Seriously? Then prove the ability or powers you talk about." panghahamon ko naman. There's no way this guy is telling the truth. Powers and abilities only exist on movies. This guy is bluffing.
Pinakatitigan niya ako sa mata nang may kakaiba akong naramdaman. Wala sa sariling naglakad ako papalapit sa kanya. Pinilit kong huwag maglakad pero parang may sarili itong buhay. Kusang pumulupot ang mga kamay ko sa balikat niya. Nagpapanic naman akong napatingin sa kanya.
"I can manipulate and copy a person's ability." Bulong niya sa akin. Biglang gumaan naman pakiramdam ko at naramdaman ko na ang katawan ko. Lumayo ako sa kanya at sinampal ang sarili.
Is this real?
A sharp pain strikes my cheeks. Damn my bruise.
So, totoo nga?
Nang akmang kukurutin ko naman ang braso ko ay kinuha niya ang kamay ko at nilagay ulit sa balikat niya. Nilapat niya ang kanyang kamay sa pisngi ko.
"Do you feel this?" marahang bulong niya sakin. Hindi naman ako napaimik dahil tila hindi na bago ang kinikilos niya sakin. Sunod naman niyang inilapat ang kanyang mga labi sa akin. Bago lumayo at tinitigan ako sa mata. Parang may apoy na sumiklab sa akin. This man. This man made me feel this overwhelming sensation.
"And this?" bago muli akong hinalikan. Masuyong kumikilos, maingat, punung-puno ng pangungulila. Hindi ko maiwasang hindi madala sa siklab nito. Namalayan ko na sinasabayan ko na siya. I let out a soft moan. Then suddenly everything went hot. He leans on, making the kiss deeper. Napasandal ako sa may lamesa at wala sa sariling natabig ang baso at nabasag ito. Bigla naman ako nagising bigla. Halos makapos kami ng hininga nang kumalas ako. I just let the stranger kiss me at ni hindi ako pumalag. And I even like it--- No, I want more. Nag-init naman ang mukha ko at napayuko sa sariling inisip.
"Y-yeah." I finally said. Alanganin akong napatingin sa nabasag na baso at akmang pupulutin ko ito ng pinigilan niya ako at kusang lumutang ito at dumeretso sa basurahan. Nagtatakang napatingin ako sa kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
The Only Gift (On Hold)
Mystery / ThrillerKiara has the ability to go back in past. Hindi lamang siya nagiisa. At dahil sa abilidad na iyon ay siyang dahilan ng panganganib ng buhay niya at ng mga taong katulad niya. Then there's something that changed her life. She need to make decisions t...