Nandito ako ngayon sa apartment ni Claire. Maliit lang ito kaya masikip, dagdagan pa ng mga nagkalat na gamit ni Claire.
Naupo ako sa sofa.
May mga upos ng sigarilyo sa lamesa at mga magazine. Kapansin pansin rin ang mga posters ng kung ano anong banda sa dingding.
"Pasensya ka na masyadong magulo itong apartment. Gusto mo ng tubig?"
"Yes."
Nagtungo naman siya sa personal ref niya. Maliit ito kumpara sa ilang normal na ref.
Pinanood ko siyang magsalin ng tubig.
Maski ang lababo niya ay makalat. Panigurado ang kwarto niya ay magulo rin. Iniabot naman sa akin ni Claire ang tubig. Sumimsim ako ng konti at ibinaba ito sa may lamesa.
Wala samin ang kumibo. Awkward nga naman lalo na kung magpapatira ka ng isang estranghero na hindi pa makaalala ng nakaraan niya.
Naupo siya sa may tabi ko.
"So... uhmn welcome to my shitty home. Isa lang kwarto dito share nalang tayo dun. Uhhh lilinisan ko muna. Nakakahiya naman."
Tumango naman ako bilang pagsangayon sa kanya.
"So tell me. I find it hard to believe na wala kang maalala. Grabe. As in zero? Wala ka talagang naalala."
"Oo eh. Kahit rin naman ako nagugulohan."
"Oww. That's sucks. And weird."
Napatingin naman siya sa akin mula ulo hanggang paa.
"Bakit?"
"Mukhang yang sling bag lang nadala mo. May spare clothes ako dito if gusto mo humiram or..."
Oo nga noh. Nang magising ako wala akong ibang gamit na dala.
"Thanks Claire maybe hihiram muna ako sayo ng masusuot."
"Well no prob since tutulungan mo naman ako magbayad ng rent."
May inabot siya sa kanyang bulsa. Pakete ng sigarilyo at kumuha ng isang stick at saka nagsindi. Napaubo ako nang malanghap ko ang usok.
"Oopps sorry. Sa labas muna ako. Just feel at home." Sabi niya saka nagtungo sa labas.
Nang makalabas na siya ay kinuha kong muli yung wallet. Isa isa kong nilagay sa lamesa ang mga larawan. May isang nakangiti ako at ang isa naman ay seryoso.
Magkaibang lugar ang kinunan ng litrato. Ang litrato na pawang silhouette ang nakikita ang nakuha ng atensyon ko.
Inangat ko ito at pinakatitigan. Malaking ngiti ang ginawad ko sa lalaking kasama ko sa litrato. Halos hindi ito mapansin dahil sa araw na tumatama sa mukha namin. Nakaside view kami at kita ang sunset sa background.
Hindi ko alam pero parang attached ako sa lalaking nasa litrato.
Nabigla ako ng biglang may kumalabog sa labas. Dali dali kong linigpit ang mga gamit ko at patakbong lumabas ng apartment. Nakita ko si Claire sa may parking area sa di kalayuan na may kaalitan na isang malaking lalaki at babae.
Lumapit ako sa gawi nila.
"Fuck off dude at isama mo na yang hipon mong girlfriend!" Sigaw ni Claire sa kaalitan niya.
"Shut up. You mess with my girl, you mess with me!" Sabay kuha ng baril mula sa pantalon niya.
"Shit." Sabi naman ni Claire. Natatarantang tumakbo ako sa tabi ni Claire kaso bago pa ako makalapit ay sa akin itinutok ang baril.
BINABASA MO ANG
The Only Gift (On Hold)
Misterio / SuspensoKiara has the ability to go back in past. Hindi lamang siya nagiisa. At dahil sa abilidad na iyon ay siyang dahilan ng panganganib ng buhay niya at ng mga taong katulad niya. Then there's something that changed her life. She need to make decisions t...