CHAPTER 3- Trouble Maker

62 2 0
                                    

Halos masilaw ako sa sinag ng araw na siyang nagpagising sa mahimbing natulog ko. Nakaangat pala ang kurtina. Si Claire naman ay mahimbing na natutulog sa tabi ko. Oo nga pala dahil nagpakalasing siya kagabi dito sa apartment at dinamay pa ako kaya makirot rin ang ulo ko. Siguro sobrang puyat din ito dahil hindi naman ako uminom ng marami kagabi.

Napabalikwas ako ng may malakas na pagkatok sa pintuan. Niyugyog ko si Claire kaso mukhang knock out parin. Nagtungo ako sa may pintuan at dahan dahang binuksan ito.

"Sino ka?" Pambungad na tanong ng isang matabang ale. May curlers pang nakakabit sa buhok nito. Nakadaster ito at may matapang na mukha. Halos magdikit na ang mga kilay niya sa pagkakakunot noo nito.

"Asan si Claire? Palabasin mo yang babaeng iyan at papalayasin ko na siya. Aba namumuro na sa kakaiwas sa akin!" singhal nito sakin. Napangiwi naman ako sa ingay nito. Ang aga aga eh bulyaw agad. Napakamot nalang ako sa ulo at nagtungo sa sala para kunin yung pera ko. Lumapit ulit ako sa may pintuan.

"Magkano ho di nabayaran ni Claire?" tanong ko naman. Mukhang nabigla ang ale at napahinto tila nagkukwenta.

"Three months na siya di bayad. Four thou kada buwan. Ano may pambayad ka?" Nagtaas pa siya ng kilay sakin. Iniabot ko sa kanya ang 16 thousand. Napatulala naman siya sa inabot ko.

"Advance na po ung sobra next month. Ok na po ba?" Tumango naman siya at mukhang umaliwas ang itsura nito. Ang kapangyarihan ng pera nga naman.

"O siya mauna na ako. Sa uli uli mag bayad na siya sa oras ha?" Parang maamong hindi makabasag pinggan ang boses nito. Tumango nalang ako at marahang sinara ang pintuan.

Napabuntong hininga naman ako at napailing. Kailan pa kaya ako masasanay sa mga moody na tao. Pagtalikod ko ay halos maduling ako sa lapit ng mukha ni Claire.

"Geez! Kanina ka pa dito?" Tanong ko at umusog palayo ng konti sa kanya. Sabog ang buhok niya at may tuyong laway pa sa pisngi nito. May bakas ng kumot sa kanyang mga braso tanda na mahimbing ang tulog nito.

"Yep. Well that was smooth. Thanks ah. Pati dun sa advance payment. Pero ang hihingin ko lang sana eh bayad sa months na di ko nabayaran. " kahit medyo malayo ay nalanghap ko ang hininga niya. Amoy panis. I crunch my nose bago naglakad papuntang kusina.

"Wala yun. Wala naman akong mapaggagamitan kasi." Napahawak naman ako sa sikmura ko. I'm hungry.

"Gaga meron kaya. Gaya ng pambili ng gamot para sa sakit ng ulo ko. Damn this hangover. Its killing me." 

Napailing nalang ako. Napatingin ako sa may lamesa niya. May kape at asukal doon.

"Ipagtitimpla muna kita ng kape."

Dumeretso ako sa may cup board at kumuha ng baso. Saka nagtimpla ng kape. Siya naman ay nakaupo at nakahawak ang isang kamay sa ulo. Iniabot ko sa kanya ang kape.

"May tinapay ka ba dito?" Tanong ko habang papalapit sa personal ref niya.

"Wala." Sagot naman niya.

Binuksan ko ang ref pero ang bumungad saakin ay mga canned beer, isang bulok na pagkain at pitsel ng tubig. Kinuha ko ang bulok na pagkain at itinapon sa basurahan. Grabe halos masuka ako sa amoy nito. That's it. Kailangan na malamanan ito ng tunay na pagkain.

"May natitira pa akong pera. Maggogrocery tayo."

"Ugh! Pwede naman kumain sa karinderya. Mura pa. Psh pahirapan mo pa sarili mo." reklamo naman niya. Namaywang naman ako at pinakatitigan siya ng mariin. Napairap naman siya at napataas ng mga kamay.

"Ok ok panalo ka na. Maliligo lang ako." Saka siya naglakad papuntang banyo. Kinuha ko ang nangalahating kape niya at ininom ko nalang. Sayang kung itatapon pa. Pumunta ulit ako sa kwarto ni Claire. Hindi na ito kasing makalat nung una ko itong makita.

The Only Gift (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon