When Destiny Plays 1
Chapter Song : Hey Mama by David Guetta feat. Nicki Minaj
"Ms,Smith!,hindi ito ang unang beses na nakita ko ang mukha mo dito sa office ko,in fact its your third time here! At sawa na ako kakawarning say,Una sinuntok mo ang representative sana natin sa Ms.CHS this month,pangalawa nadala sa clinic ng dahil sayo ang anak ng isang major subject teacher and ngayon naman ay sinagot sagot mo ang prof. mo!!...what next susunugin mo na ba ang buong Unibersidad ?!!!" Napakalikot ako ng tenga ng biglang sumigaw ang dean.I mentally roll my eyes.
So kasalanan ko pa eh nabuwisit ako sa sobrang arte ng babaeng yun kaya ayan na-black eye-an and second yung mayabang na anak nung major teacher na yun ay may binubully so I just help. Gosh!!.(may tinatago pa akong kabutihan nuh!) And lastly ay yung matandang yun nagtatanong alangan naman ay echapwerahin ko kawawa naman kaya sinagot ko.Infact im just being honest
And about dun sa huling sinabi nung dean na susunugin ko tong University 0.0 hala!! Pano nya nalaman ang plano ko?! Di kaya mind reader sya? Tango tango.
Tinignan ko yung dean na ngayon ay talak ng talak.Oh mind reader nga siguro sya.
"You done?" Cold na tanong ko .
"WHAT?!SA DINAMI DAMI NG SINABI KO YAN LANG ANG SASABIHIN MO!DYOSMIO AATAKIHIN AKO SAYO!!" madamdaming sabi nito habang nakahawak sa dibdib nya.Again roll eyes OA ha atake agad diba pwedeng himatay muna.?
Lumabas na ko ng office dahil sa totoo lang ay buryong buryo nako sa mukha ng matandang yun.Huhuhu my poor eyes and ears di kinaya ng mukha at boses nya.
Nagtaxi ako...habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang maisip kung ilan nang university ang tumanggap sakin but eventually ay nakikick out din kada semester,ni hindi na nga mabilang sa daliri kung ilang university na ang napasukan ko.
"Ma'am saan po tayo?" Naputol ang pagmumuni ko ng tanungin ako ni Manong.
"Ay! Dyan nalang po sa tabi" sabi ko sabay abot ng bayad .
Bumaba na ako.Oh Yes!! Sakto tapat ng Fast food chain ang pinaghintuan.Tatalon talon akong pumasok sa loob at nag order ng fries,burger and drinks.Kinain ko ito habang naglalakad.I look at my watch.3:25 in the afternoon. Pwede pang gumala.
Napatigil ako sa paglalakad ng may maaninagan ako mula as malayo.'McKinley University' madalas na pagusapan yan sa past university na napasukan ko.Na-curious ako kaya papasok na Sana ako ng harangan ako ng guard.
"Ma'am ID nyo po?" Napakamot ako ng batok.Shit! Pano na?!
Isip.Isip.
"Uhh,kase may bibisitahin lang akong nag-aaral dito,kaibigan ko..saglit long naman kuya " mag-puppy eyes pa ako para effective.
"Naku,Sigurado po kayo Dyan ma'am.Baka ako ho ang pagalitan sa inyo"
Wengya! Hindi bumenta yung puppy eyes ko :( Maamo naman ako mukha ko, mukhang inosente.But Im not! Ika nga looks can be deceiving.
"Actually dati na ko rito nag-aaral,." Ooopps.
"Ganun ba Ma'am bilisan nyo na lang ko tsaka wag kayong gagawa ng gulo sa loob"
-_- ganun naba talaga kahalata na trouble maker ako.Tsk!.
Wow! O.O sobrang lawak neto kumapara sa mga napasukan ko ng university.Sinimulan ko nang libutin nung nasa bandang hallway na ko ay pinagtitinginan nako.I am only wearing a simple black v neck shirt and a white pants at sneakers habang nakaheadset at hawak ang Cellphone ko.Habang sila ay naka-uniform.
Nagtaka ako ng biglang umingay ang paligid...banda sa likuran ko at mistulang nag-gi-give way sa daraanan.Kunot Noo akong tumingin sa likuran ko at bumungad sakin ang 5 member group of....
...of gangster.
May humila sakin at hindi na ko nakapalag dahil parang nag-slowmotion ang paligid ng dumaan ang mga myembro nito and lastly ang leader nila,umingay ang grupo ng mga kababaihan sa likod ko kaya napatingin sa banda namin ang leader nila.Di ko napigilang magtaas ng kilay ng magtama ang paningin namin at lalong hindi nakaligtas ang pagngisi nito.
×~×~×~×~×~×~×~×~×
Unedited.
Please do VOTE.COMMENT.FOLLOW AND SHARE if you have time I will greatly appreciate it.Thank You!!
Tell me if there's a typo.. So that I can correct it, that will be greatly appreciated too. 😘😘
BINABASA MO ANG
When Destiny Plays (W-SERIES 1)
Chick-LitToo quick to fall inlove...too wrong Would they be willing to fight this battle.. When Destiny Plays? A work of fiction by EenieMeenieMinieMo #664 to 181 in Chicklit