CHAPTER 25: FORGIVE AND FORGET.

916 24 1
                                    


Malapit na kami ngayon sa canteen ng bigla kong tinaboy si Marcus. ( tinaboy talaga? haha! )

Liam: Ui, Marcus.. lumayas ka na nga!

Marcus: Bakit naman ako aalis aber?

Liam: Tss. Ito talaga o, di ba sabi ko magpapanggap muna kami ni Haeri na kami pa rin?

Marcus: Oo na, oo na. Alagaan mo yan ha?

Liam: Ito aalagaan ko? Eh ang tapang nito!

Kiera: Babae pa rin kaya ako!!

Wala na ulit kami ni Kiera pero magpapanggap lang. Ang gulo no? Masaya ako ngayon.. siguro kasi malapit ng maayos ang lahat. May pinoproblema pa kasi ako ee, kailangan ko ang tulong nina Yura para doon sa plano ko.. paano ko yun maisasakatuparan kung galit sila sa akin di ba? Kaya ang plano ko ngayon..

Magso-sorry ako kina Yura ^___^

Kiera: Tatayo lang ba tau rito?

Liam: Sorry, may iniisip lang. Nga pala, magso-sorry tau ngayon kina Yura.

Kiera: Akala ko ba kay Scarlett?

Liam: Uunahin muna natin sina Yura, ok?

Kiera: Okay.

Napansin ko na nasa loob na ng canteen si Minho.. kaya pumunta na kami sa canteen. Hinanap ng dalawang mata ko si babe..

( babe na talaga? lololz )

napasmile ako bigla, nakapout kasi si babe eh.. tapos tinatawanan sya ni Mir. Sa tingin ko, pinipikon na naman nya ang babe ko. Kasama kasi nila babe ngayon sina Adrian, Mike, Kyle at Xander.. tch, mukhang nagpapacute pa ang mga gunggong.. si Kyle kasi panay ang hawak sa pisngi ni Yura mukha ngang nanananching eh. Si Adrian naman kunwari pang nagpapatutor kay Jihae eh pagkakaalam ko, wala pa syang subject na nahihirapan sya. Sina Xander at Jayla.. parang brother-sister lang ang drama.. buti pa sila.

Hayy, maka-order na nga. Umupo muna kami sa gilid. Next time nalang kami tatabi sa kanila umupo.. kapag ayos na ang lahat. Baka pag-umupo kami dun, baka sampal pa maabot ko sa kanila... lalo na si Yura, palaban yun eh! Baka nga maging close pa sila nitong si Kiera pag-ayos na ang lahat.

Sana maayos na ang lahat..... ( puro na lang "maayos" lol ^_^v )

***

Tapos na ang schedule ko for this day, malamang sina Yura rin. Ngayon ako magso-sorry sa kanila, wish me luck.. baka kasi masampal ako. Sinundo ko muna si Kiera sa last sched niya.

Liam: Ready ka na ba?

Kiera: Medyo. Kinakabahan kasi ako, pa-paano kung di nila ako mapatawad?

CAMPUS COUPLE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon