CHAPTER 7: ASTHMA.

1K 24 0
                                    



Scarlett: NAKAKAINIS! SOBRA! AKALA NYA KUNG SINO SYA!

isabella: Kalma scarlett. Hingang malalim. Yan tama yan... Sinabi na kasi sayo na walang magandang maidudulot yang hindi mo pagsulpot sa date niyo ni liam eh.

Scarlett: Malay ko ba! What to do? What to do?

Yura: Kung ako sa iyo ihanda mo na ang susuotin mo bukas.

Jayla: GAGA! Ang ganda rin ng advice mo sa kanya ano?

Yura: Tama naman talaga ako eh!

Magsasalita na sana itong si Jayla ng biglang may kumatok sa pintuan. Binuksan ito ni Isabella at pumasok si Ate Loring ( isa sa naglilinis ng mga dorms ) na may dala-dalang regalo.

Ate: Oh, sino sa inyo si Scarlett?

Scarlett: Ako po!

Ate: Pinapabigay nga pala ni Neil.

Binigay nya sa akin ang regalo at nagpaalam na, marami pa raw gagawin pero bago umalis narinig naming bumubulong pa.. 'mga kabataan' 'wala yan sa panahon namin' 'nakow!'. Paglabas ni Ate ay isinara na agad ni Yura yung pintuan.

Yura: Hay naku, si Ate talaga.

Isabella: Dali Scarlett buksan mo na. Ano kaya ang laman nyan?

Scarlett: Sandali, my card pa oh.

Binasa ko ng malakas yung laman nung card.

DEAR Scarlett,

SALAMAT NGA PALA AT INILIGTAS MO AKO KAY KISEOP AT DINALA NYO PA AKO SA CLINIC. ISA KA TALAGANG TUNAY NA KAIBIGAN, HEHE! SANA MAGUSTUHAN MO ANG REGALO KO PARA SA YO. SALAMAT ULIT!

ANG IYONG INILIGTAS,

NEIL

Halos lahat kami ay napangiwi sa sulat na bingay nya, nosebleed!

Yura: Maaari mo na bang buksan ang regalo na ibinigay sa iyo ni Neil?

Scarlett: Sandali lamang.

Jayla: Magmadali at ako ay nasasabik ng malaman kung anong klaseng regalo ang ipinadala nya sa iyo. Aba'y nag-abala pa sya.

Isabella: TAMA na nga yan! Pati kayo nahahawa na sa sulat na ipinadala ni Neil.

Tinulungan nila akong buksan yung karton.

WOW!! Complete Set ng HARRY POTTER. Ang mahal nito ah? >.<

Isabella: NICE! Pahiram ako ng HP6 ah? Hindi ko natapos basahin eh.

Jayla: Ako rin ah? Yaman talaga ni Neil.

Yura: Ano ba yan? AKLAT? Klase naman.

Scarlett: Bakit, ang ganda naman ah?

Yura: Tch. Panoorin nyo na lang yung movie nyan. Mas maga-

Isabella: Tara kain na tayo, 7:30 pm na oh!

----

KKKRRIIIINNNGGG~~~

Aaargh! Umaga na pala. Gusto ko pang matulog. Pipikit na sana ako nang--

Yura: Scarlett! GISING NAAA!! MALELATE KA NA SA DATE NYO NI KISEOPPPP!!

Tinakpan ko ang tenga ko gamit ang unan, kainis naman itong si Yura oh! Ang lakas lakas ng boses!

Jayla: Yura! Ang aga-aga sumisigaw ka na.

Yura: MORNING!

Isabella: Para ka namang di nasanay.

CAMPUS COUPLE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon