CHAPTER 20: MOVING ON..

859 20 0
                                    

Yura: Argh! Kibum, akin na nga yan!!

Kyle: Ang damot mo talaga kahit kailan, parang hihiramin lang itong bracelet mo!

Yura: Eeehhh! Hindi nga kasi bagay sayo. DUH? Kulay pink po yung color ng bracelet incase na di mo nakikita.

At yun, nag-agawan na sila ng bracelet. Isa pa tong dalawa na to:

Isabella: Hanggang ngayon ba naman Eli di mo pa rin alam kung paano magbalance!?

Adrian: Sorry okay? Eh sa mahirap eh. Kung turuan mo na lang kaya ako?

Isabella: Adrian naman eh! Three days ko na nga tinuturo sa iyo itong balancing eh!! Magseryoso ka naman.

Blah.Blah.Blah. Ang iingay nila >.< Sumunod pa tong dalawa na to:

Xander: Jayla, di ba member ka ng school band? Drums ang piniplay mo right?

Jayla: Yep.

Xander: Gamitin mo raw tong kutsara at tinidor.. tapos kunwari yan yung stick na gamit pagnagda-drums.. okay, bigay ka ng sample.

AARRGGGHHH! Ang ingay-ingay na nga nung apat na yun, nakisali pa tong si Jayla.

Err, siguro nalilito na kayo ngayon. I-clarify ko lang ha? Andito kami ngayon sa canteen, since free time namin ngayon hanggang 1pm eh patambay-tambay muna kami. Halata naman siguro na ang iingay nila. Yeah, buti pa sila.. nagagawa nilang mag-ingay ngayon. Ako? Wala ako energy ngayon eh. Hindi lang pala ako, pati rin si Mike.

Nakapatong kasi yung ulo namin sa lamesa. Yung itsura naming dalawa parang pinagsakluban ng langit at lupa.. ngayon ko na talaga nafi-feel kung ano man yung nafi-feel dati ni Mike, ang maging loner.

LONER nga ba? Aish, basta!

Ako kasi, sinusubukan kong matulog.. 3 hours lang tulog ko. Kaya yung mata ko, magang-maga.. wala na ngang tulog, umiyak pa kagabi na parang walang katapusan..

Alam ko iniisip nyo, parang dinadaan ko na lang ata sa tawa yung mga nangyari. HAHAHHAHHAH!!

TSK. Bilib talaga ako sa sarili ko, ang galing kong mag-hide ng feelings ko no? Isa yan sa mga hidden talents ko. Kaya lang naman ako nagpapanggap na masaya kasi ayokong mag-alala sa akin sina Yura. Pero deep inside, ang sakit-sakit pa rin talaga.

Biglang napatigil sa pag-iingay sina Yura.. kaya napadilat ako bigla ng mata. Umayos nga ako ng upo eh. Nagtaka naman ako sa mga nasa loob ng canteen, lahat nakaharap sa entrance..

Since nakatalikod ako sa entrance, lumingon pa ako.

Uh-oh, wrong move. Alam niyo ba kung sino yung pumasok? Actually, dalawa sila. DALAWA.

Si Kiera at si Liam. Wow! Ang saya naman! Ang saya-saya..

SUPER SAYA!

Kaya naman sa sobrang saya eh, napatakbo ako ng wala sa oras. Dumaan ako sa pinakadulo. Narinig ko pa ngang sumigaw sa akin sina Yura, pero di na ako lumingon. Gosh, pinagtitiniginan nga nila ako..

ANO BA ITONG GINAWA KONG EKSENA??

Takbo lang Scarlett.. takbo lang.. lumayo ka alng sa dalawang un, magiging okey ka na.

Teka, bakit parang lumalabo yung paningin ko. HECK! Umiiyak na pala ako..

Akala ko ba magaling akong mag-hide ng feelings!?

Syete naman kasi eh, kahit pagod na pagod na ako at kulang sa pahinga.. takbo pa rin ako ng takbo. Ano bang nangyayari sa akin?? CRAZY GIRL na nga ata ako.

Shiz~ GOD! Napatigil ako sa pagtakbo at napahawak sa isang poste..

HINDI AKO MAKAHINGA.. yung inhaler ko? SHIT! Nasa canteen naiwan.

CAMPUS COUPLE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon