CHAPTER 31: CAMPUS COUPLE. (LAST CHAPTER)

1.6K 28 2
                                    


Maam: Okay, let's have a break muna. After 30 minutes dapat andito na kayo ulit sa gym.

Haayy salamat. Break time muna. Umupo ako sa isa sa mga monobloc chairs. Malapit na kaming mag'graduate :))

Yup. Almost one year na ang nakalipas. At ang relationship naming magkakaibigan? Going strong pa rin.

Kami ni babe? NAGMAMAHALAN pa rin. ( lol! )

Tandang-tanda ko pa yung FAMILY DAY last year, hindi ko napigilang umiyak ng umiyak.. kasi naiinggit talaga ako eh >.<

Kaya si babe, kung anu-ano ang ginawa para lang tumahan ako. Tapos pinakilala nya pa ako sa parents nya.

Sabi nya nga sa mama nya eh.. "Ma, ang buhay ko.. si Scarlett."

Nahiya talaga ako nun, nagulat nalang ako nung yakapin ako ng mama nya eh. Ambait nila sa akin. Too bad, hindi rin nakarating yung ate nya eh.

The whole day pinaramdam sa akin ng parents ni babe na espesyal ako. Sayang nga raw at hindi darating ang parents ko, gusto rin daw kasi nilang makilala.

Last month, idinaos na naman ang FAMILY DAY. Yun ang masasabi kong isa sa mga mami-miss ko kapag grumaduate na ako sa Pledis University. Wala akong ginawa buong araw kung hindi ngumiti at tumawa.

Nakarating na kasi ang parents ko, nameet ko rin yung ate ni babe.. Nabigla nga ako nung magkakilala pala ang daddy ko at daddy ni babe. Childhood friends pala sila. Ang sarap nga sa feeling eh, na magkasundong-magkasundo ang mga parents namin.

Liam: Babe, binilhan na kita. Mukhang malalim kasi iniisip mo eh. May problema ba?

Tanong nya sa akin sabay abot ng iced tea at sandwich.

Scarlett: Wala naman. May mga iniisip lang..

Umupo sya sa tabi ko at kinuha ang ipod nya sa bag. Inilagay nya yung isang earphone sa tainga ko, yung isa naman sa kanya.

Liam: Remember this?

Ang tinutukoy ni babe is yung kanta na "Without You".

Scarlett: Syempre naman babe 'no. Hinding-hindi ko makakalimutan. Ang sweet nga eh, isipin mo.. kumanta ka sa harap ng maraming tao?

Liam: Alang-alang sa babe ko. Hmm.. ano ba mga iniisip mo?

Scarlett: Memories. Andami na pala nating napagdaanan.

liam: Kaya nga eh, pero nalagpasan natin.

Scarlett: Sana wala na tayong problemang kakaharapin pa.

Liam: Sana nga, pero alam mo naman na hindi rin maiiwasan yun. Tsaka, ang mga pagsubok na yan, yan pa ang nagpapatibay sa atin.

Scarlett: I love you babe.

Liam: And i love you more..

Inakbayan nya ako tapos pinalapit sa kanya.. he kissed my hair.

*FLASH!*

Girl: Ang sweet nyo kasi eh.. deserving talaga kayo na manalo sa Campus Couple thingy.. sige, salamat sa picture!!

Natawa nalang kami ni babe.. sanay na kami eh. Nanalo kasi kami bilang pinakasweet na couple sa school. Campus Couple raw kami.. isipin nyo yun, may nalalaman pang ganun ang school? Haha!!

Pagkamamaya kinuha ni babe yung cellphone nya..

Liam: Picture tayo.

Pumayag naman ako, mga 5 shots siguro yung nakunan namin. Ang pinakagusto ko ay yung last.. kasi, he kissed me.. pero sa left cheek lang.

CAMPUS COUPLE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon