CHAPTER 9: I'M NBSB NO MORE!

1K 24 0
                                    


LIAM's Dorm

Pagpasok na pagpasok ko sa dorm ay biglang may nagtapon ng bola sa akin. Buti at nasalo ko, kundi ang mukha ko ang natamaan.

Mike: Nice one, bro!

Ahh, si Mike pala ang nagtapon sa akin. Tinapon ko pabalik sa kanya ang bola at saktong nasalo nya ito.

Kyle: AHA! Bakit ang ganda ata ng mood natin ngayon ah?

Xander: Asus! Oi ikaw Kibum, alam mo naman na ang sagot, syempre may nakadate yan ngayon.

Mike: Musta ang date niyo? I bet kayo na!

Napasmile ako bigla. Umupo ako sa tabi ni Mir at kinuha ang bola sa kanya. Habang pinaglalaruan ko ang bola ay sinagot ko ang tanong ni Mike.

Liam: Tama ka. Kami na nga, pero-

Hindi ko natapos ang sasabihin ko kasi biglang bumukas ang pintuan ng cr at lumabas don siadrian. Magkaconnect kasi ang cr namin sa dorm nina adrian at Xander may connecting door kasi sa cr.. at pagbukas mo ng door ay ang mismong dorm nina Xander at Arianang makikita mo. Ang ganda nga kasi kung gusto kong bumisita kina adrian ay sa connecting dorm nalang ako ng cr papasok. Minsan pa nga eh don ako natutulog sa kanila- imagine silang dalawa lang sa kwarto nila? Ang daya nga eh!

Adrian: Pare dumating ka na pala.

Mike: Ssshh! Sige na Liam, ipagpatuloy mo na ang kwento mo!

Kwento? Hindi naman ako story teller eh =___=

Liam: San na ba tayo?

Kylw: Ulyanin!

Mike: Sshhh! Don na tayo sa "kami na nga pero-"

Nag-nod ako. Tama! Ang galing naman ni Mike.

Liam: Well, kami na nga pero di nya pa alam.

.

.

=________________=;;;;;;;

Xander: Ano pa bang aasahan namin? Sanay na kami jan sa pagkakaroon mo agad ng girlfriend pero di naman alam nung gf mo. Tsk3

Mike: Hayy. Sige matutulog na ako.

Adrian: Teka! Bat ka pupunta sa dorm namin?

Mike: Doon ako matutulog sa inyo.

Adrian: Sige matutulog na kami. Ikaw Xander? San ka matutulog?

Xander: Dito muna ako kina Liam. May assignmnet pa kaming gagawin sa Trigo eh.

Nag-nod lang si adrian at sumunod na kay Mike. Psh. May gagawin daw kaming assignmnet ni Xander? KASINUNGALINGAN. Ako lang din ang gagawa ng assignment tapos mangongopya lang sya. Pero okey lang. Magaling kasi sya sa AP kaya pag may quiz at assignment -- nangongopya rin ako sa kanya. Sensya na, bobo talaga ako pagdating sa AP.

--

Tapos ko na ang assignment sa TRIGO at kasalukuyan itong kinokopya ni Xander nang biglang nagtanong si Kyle sa akin-

Kyle: Bro, ano balak mo? Sa tingin mo ba aabot kayo ni Scarlett ng three days?

Natigilan ako. Hindi ko rin alam ang isasagot ko. Aabot kaya ang relasyon namin ng 3 days? Sana.

ANO ba tong pinagsasabi ko? Anong sana? Hayy! Bigla kong naisip si Haeri. Sana kami na ulit. Magulo ba masyado utak ko? TCH. Hindi naman ah?

Liam: Hindi ko alam. May balita ka ba kay Kiera?

Kyle: Hmm. Meron. Makakasama na natin sya sa MAPEH natin.

Liam: Hah? Bakit?

Bigla akong na-excite. It means may isang subject ako na makakasama ko si KIERA? Nice!

CAMPUS COUPLE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon