Gaite's POV
Napangiti ako habang pinagmasdan ang nagdadalaga kong anak. Parang kahapon lang eh 3 years old pa siya pero ngayon... Hay, feeling ko ang tanda-tanda ko na. In just 2 weeks, magdedebut na siya. Mag e-eighteen na ang anak ko, si Luna... Napakabilis talaga ng panahon.
"Pa, aalis na po ako." Pagpapaalam ni Luna at saka binigyan ako ng halik sa pisngi.
"Osya, mag-ingat ka ah. Wag kang sasama sa mga taong di mo kilala. Wag ka ding madadapa, okay?" Sabi ko saka siya nginitian.
"Pa, naman! 'Di na ako yung batang Luna! At saka nandiyan naman po si Scarlett at Sky!" Sabi Ni Luna saka binanggit ang pangalan ng dalawa sa matatalik niyang kaibigan.
"I feel old." bigla kong nasabi.
"You'll always be the youngest and most handsome father to me." Sabi ng anak ko at saka nginitian ako--- That angelic smile of hers that reminds me of her mother. They do look alike. Kuhang-kuha ni Luna ang features ng mukha ng mama niya. Bigla akong napangiti ng mapait. That was 10 years ago. I failed to protect her. I am a failure as her husband. "Iniisip mo na naman ba si Mama, Pa?" Tanong ni Luna saka niya pinisil ang magkabilang pisngi ko para maporma ng isang ngiti.
Paano niya nalaman?
"Because of your face... halatang siya na naman ang dahilan kung bakit ka malungkot." She said and let out a sigh.
Siyempre.. alam niya kung ano ang iniisip ko. After all, she's Aria's daughter, our beloved daughter.
"Don't worry. Luna anak, sige na.. baka malate ka pa. Bye." Pagpapaalam ko sa anak ko and waved at her. She waved back at me and showed me her biggest smile. Napangiti ako. Ang ganda talaga ng anak ko, mana sa Mama niya.
Pumunta ako sa kwarto ko para kunin ang mga dokyumento na ibinigay ng secretary ko para sa kompanya namin. Nang biglang may naramdaman akong malamig na hangin sa likod ko. Napatindig lahat ng balahibo ko nang bumukas ang isang parte ng bintana sa kwarto. Ang bintanang malapit sa akin...
"Such a dramatic scene, isn't it, Gaite? With your daughter and all."
Muntik na akong napamura nang makita ko ang pagmumukha ng lalakeng 'to.
His wavy black hair that suits his evil aura. At saka yung mga bughaw niyang mata na bumagay sa mukha niya. Nakasuot na naman siya ng business attire niya ---all black. Nakakainis ang pagmumukha niya!
"You really love the Grand Entrance, huh, Lie? ( LAIH )" Sabi ko habang nakangisi dito.
"Of course, you know me, Gaite. I love them. I really do." You can feel the intensity coming from his aura kahit ang layo niya pa sa akin.
"Anong kailangan mo?" Napamewang kong tanong dito.
"Since your daughter is going to turn 18 in the next tw---" Pinutol ko agad ang sasabihin niya. Alam ko na ang pakay niya.
"You can't force me to let my Luna join Amicus, Lie." Sabi ko dito na bahagyang may galit sa mukha ko.
"Oooh, scary father!" Sabi niya at saka tumawa.
Seryoso na nga ang atmosphere pero nagawa niya paring makipagbiruan sa ganitong oras? Typical Lie Frontwood. 'Di pa rin siya nagbabago hanggang ngayon. "Chill, malalaman niya rin naman Gaite. So why not tell her the truth? Hindi naman 'yon nakakamatay ah." Sabi niya pa saka ngumisi.
"She may not be able to accept it."
"She got the blood of an Alium, so everythin's gonna turn out right and fine." Kalmadong sagot ng kasama niya. He's right... but I still can't get over the fact that her mother was also killed by an Alium.
"Since I'm here, why not have breakfast with me?" Kaswal nitong sabi at saka lumabas ng kwarto.
Pero bago pa man siya makalabas ay kinindatan niya muna ako at saka tumawa ng malakas nang makita ang ekspresyon ko. Napailing na lamang ako. Bakla ba 'to? Ang bakla ng mga aksyon. Nakakadiri! 'Di ako bisexual.
"Look, Gaitsh." napatingin ako sa kanya. Puno na naman ang bibig niya ng pagkain pero nagsasalita pa rin. Tsk. No class.
"O?" Tipid kong sagot dito. Hinajati ko yung beef steak sa harapan ko saka ito kinain.
"You see..." he paused at saka nilunok ang pagkaing nasa bibig niya. "Let Luna know about our world. The amicus' world." Sabi ni Lie saka nilamon ang kalahating slice ng red velvet.
"Reminder, Lie, I'm not an Alium. I'm Hominum." Pagpapaalala ko dito.
"Right." he snapped. "Dinaig mo pa kasi ang mga Alium. Ang lakas mo kaya kahit Hominum ka lamang." Napaikot ang mata ko sa sinabi niya. Nakakababa ng pasensya ang makipag-usap sa lalakeng 'to. Nang matapos akong kumain ay naglalakad-lakad lamang ako sa garden na inaalagaan ni Aria noong buhay pa siya. Umupo ako sa isang bench dun at saka nagbasa ng libro. Biglang naputol ang focus ko dmsa libro nang naramdaman ko ang presensya niya.
"Ang boring talaga ng routine mo, Gaite." Napangiwing sabi ni Lie sa kanya.
"'Di mo ba alam ang meaning ng 'thrill'" tanong nito sa kanya.
Hanggang dito ba naman?! Nakakainis 'tong lalakeng 'to. I stood up at saka sinara ang libro ng binabasa ko. Inayos ko ang suot kong Americana at saka necktie.
"Oy, oy, sa'n ka pupunta?" Tanong nito habang nakabuntot pa rin sa akin
"Office." Maikli kong sagot.
"Kailan ka ba maglalaho?" Diretsyo kong tanong kay Lie.
"Ouch bro!" Pagdadrama ni Lie. Ngumisi naman siya bigla. "Babantayan ko daw ang anak nila Gaite at Aria." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. What the heck did he said?!
"Order from the higher ups. Since Luna was born, they had set their eyes on her. They knew she was special." Kampante nitong sagot.
"Malapit na ang birthday ni Luna." Sabi ko sa sarili ko. Maaaring nasa panganib nga si Luna. Maa mabuti pang ipabantay ko 'tong lalakeng 'to para naman may magawas buhay.
"I can read your mind, Gaite." Nakangisi nitong sagot. Disaster! Ito nga pala ang ability ng lalakeng 'to.
"I'll leave my daughter up to you. Never ever let the Hostem lay their hands on even a strand of her hair or else I'll blame you." Kalmado kong sabi sa kanya. "Who knows, what I'm gonna do if that happens." Napalunok siya. Napangisi ako.
Oh, for Pete's sake, I'm a Hominum. A Complete normal being.
-Cr: HT-

BINABASA MO ANG
Trials of the 4th Phase
RandomLuna is a girl with an incomplete family--- She's living with her father in the City of Euodia. During the day on her 18th birthday, she slowly finds out and reveals the truth behind the family's deepest secrets. Along with her friends, they receiv...