DAY ONE POINT FIVE: FIRST NIGHT

12 0 0
                                    

"Home sweetie home again, Lee." Sigaw ni Mama as pagbukas sa gate.

Kakarating lang namin mula sa mall. Bumili kasi kami ng bagong damit at gamit sa kusina tulad ng plato't baso. Nagpabili na rin ako ng shirts at perfume na bago.

Pagbukas ni mama, ibang ihip ng hangin ilit ang naramdaman ko. Parang may pressure of air sa loob. This is strange. Very fucking strange.

"Whoa. Nagpa-andar ba tayo ng aircon?" Tanong ni mama. "Wala po." Sagot ko. Napakamot nalang sa ulo  si mama.

Tinulungan ko muna si mama i-unload ang kargamento sa pick up. Matapos ko siyang tulungan, dumiretso na ako sa kwarto upang magpalit ng pantulog.

Pinatay ko na ang ilaw at isinuot na ang kumot. Mahigit trenta minutos ko ng pinipilit na makatulog pero ayaw parin. Pinaandar ko muna ang sidelamp ko at nagbasa ng libro.

Habang libang na libang na ako sa pagbabasa ay nakaramdam ako bigla ng strange feeling. Parang may humihila sa aking kumot.

"Guni-guni mo lang 'yun." Wika ko sa sarili. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa  pero I felt strangeness.

Agad akong nag sign of the cross at ibinigkas ang Lord's prayer. Matapos kong magdasal, hindi ulit ako nakaramdam ng ganung feeling.

Ipinatay ko na ang side lamp at pinikit na ang mata.

HOPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon