DAY TWO: MONDAY MORNING

12 0 0
                                    

Nagising ako sa pangungulit ni Mama sa labas ng pintuan. "Lee. Gising na." Wika niya. Iniunat ko muna ang sarili at agad nang tumayo at iniayos ang higaan.

Pinagbuksan ko si mama ng pinto nang matapos na ako sa kakaligpit ng pinagtulugan.

"Good morning." Sabay kiss ni Mama sa pisngi ko.

"Good morning din Ma."

"Kain na." Hinila ako ni Mama palabas at dinala niya ako sa hapag kainan.

"Cereals or Rice?" Tanong niya.

"Anong ulam?"

"Wala pa."

"Cereals nalang ma. Thank you and I love you  Ma."

Agad akong ipinaghanda ni Mama ng cereals on bowl at gatas.

"Ikaw na maglagay ng gatas. Maliligo na ako at malapit na ako ma-late." Wika niya.

"Okay Ma." Umalis na si Mama sa harapan ko at pumasok na sa kwarto niya.

Matapos maligo ni Mama, agad niya akong hinalikan ulit sa pisngi at umalis na gamit ang sasakyan.

Naiwan ako dito mag-isa. Wala pa kasi kaming katulong. May trust issues kasi si Mama kaya nahihirapan kami maghanap.

Iniligpit ko na ang kinainan ko at pinaandar na ang TV. Nanood ako ng Phineas and Ferb sa Disney Channel. Nakaka-miss din pala maging bata.

Habang nalilibang ako sa panonood, biglang may nahulog na baso. In a snap, kumuha ako ng walis at dust pan upang linisin ang mga bubog.

Itatapon ko na sana ang bubog ng maaninag ako sa isang shadow ng tao. Medyo natakot ako kaya dali dali kong itinapon ang mga bubog at pumasok sa kwarto.

HOPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon