Hindi kami makatulog ng maayos ni Mama. Kada trenta minutos, may nagigising sa amin upang alamin kung minumulto kami."Good morning Ma." Bati ko.
"Oh, kumain ka na." Walang siglang bati ni Mama.
In-eye bags si Mama. Ako naman, may tumurok na pimple sa noo.
Habang kumakain ay alert masyado kami sa paligid. Sabi kasi ni Mama ay nataranta siya kanina dahil nahulog daw ang lalagyan ng mga lucky pebbles.
Biglang umihip ang malakas na hangin kaya't natigilan kami.
"Anak. Get ready. Nantri-tripping na naman siya." Wika ni Mama na mahigpit hinahawakan ang kutsara't tinidor.
Ako naman ay nag-sign of the cross. Jesus! Totoo nga pala sila.
Nang medyo humina ang hangin ay medyo nabawasan ang nararamdang kaba.
"Ngayong Biyernes, ipapa-blessing ko 'tong bahay." Wika ni Mama.
Tumango nalang ako at pinagpatuloy ang naudlot na pag kain.
Nang matapos kaming kumain ay sinabihan ako ni Mama na bantayan siya sa labas ng shower. Baka daw kasi may kakatok na aswang tapos bigla raw siyang tatakutin na dahilan ng pagkamatay niya.
Lumabas na siya sa CR at ako naman pumalit sa kanya.
"Ma, diyan ka lang ha." Wika ko.
"Okay anak. Isusuot ko lang muna ang bra at panty tapos babalikan kita dito."
"Okay ma." Pumasok na ako sa CR at sinimulang maligo.
Habang nagsha-shampoo ako sa buhok ko ay biglang tumigil ang tubig.
"Ma? May nag-imbak ka ba ng tubig sa drum ng tubig?" Sigaw ko sa loob ng CR na nakapikit ang mata. Bigla nalang ako nakarinig ng tunog ng ...
Tunog ng umaandar na sasakyan.
"Ma?!"
Patay! Iniwan ako dito ni Mama.
Wala na akong magawa kundi lumabas sa CR at maliligo nalang ulit.
Isinuot ko ang nakapambahay na damit at pinaandar ang TV. This time, mas magiging alert ako in case na may kakalabog mamaya.
BINABASA MO ANG
HOPE
ChickLitMalinaw na sa akin. Malinaw na malabong maging tayo. HOPE Written by KuyaFerrari21 © 2016