DAY TWO: HOPE'S DAY

6 0 0
                                    

Author's Note

Short story po ito. Well, hanggang day five lang 'to.

So, clue na po 'yan kung ano ang ending.

Enjoy!

Hope's Point of View

Simula noong may bagong lipat dito, naging masaya na ako. Sa dalawang taon na wala akong nakasama kundi gagamba at langaw, wala akong ibang ginawa kundi magmasid sa labas.

Kaninang umaga, naiwan mag-isa ang anak ng may-ari nito.

Si Lee.

Kakagising ko lang kaya naisipan ko munang mag muni-muni bago ko simulan ang araw ko.

Matutulog pa sana ako ng biglang na-amaze ako sa pinanood ni Lee.

PHINEAS AND FERB!

Favorite ko 'to! Kaya noong umalis si Lee, hinawakan ko ang remote upang palakasan ang volume. Gusto ko ng maingay! Nakakabingi kaya ang katahimikan.

"Mu-Multo!" Sigaw nito at agad umalis sa kwarto.
"Teka! Hindi ako multo!" Wala lang akong ligo kaya siguro creepy face ako. Binitawan ko muna ang remote at saka hinabol siya sa kwarto niya.

Bago ako pumasok, sinubukan ko munang gawin ang spell upang makalusot sa mga walls.

Nang nabigkas ko ang spell ay na-empower ako na pasukin siya. Gusto kong magpakilala.

"Hello." Mas lalo siyang natakot kaya lumabas siya.

"Hintay!" Nakita ko siyang isinara ang bahay at lumabas.

Awwww... Mag isa ulit ako dito sa bahay.

Hinintay ko si Lee na makauwi dito. Naghintay ako hanggang dinner pero wala pa rin.

Nagising ang diwa ko. Yes! May kasama ulit ako.
Pagbukas ng pinto ay nakita ko si Ms. Balbuena na karga-karga ang duguang tuhod ni Lee.

Isinara ko muna ang pinto at sinundan sila sa kwarto ni Lee.

Hay! Tanga ka!" Sabay hampas ni Ms. Balbuena sa braso ni Lee.

Alam kong galit lang si Ms. Balbuena dahil alalang-alala lang 'to dahil sa nerbyos.

"Kung hindi kita nadatnan, baka mamatay na ako sa nerbyos kang gago ka." Wow! Hindi ako namura ni Mommy kahit kailan.

"Sor- Aray ma!" Nilagyan ni Ms. Balbuena ang tuhod nito ng maraming alcohol kaya napaiyak siya konti.

"Tanga kasi!"

"Aray ma!"

Tinapos na ni Ms. Balbuena ang paglapat ng First aid ng talian niya 'to ng benda.

Pinatay na ni Ms. Balbuena ang ilaw.

"Ugh. Ang aga pa." Kinuha ko ang remote ng TV niya sa cabinet ang pinaandar ito.

"Uy. Dolce Amorē na pala."

"Ma it's no good here. Ma!" Nahulog siya sa higaan at nagsi-sigaw.

Agad ko pinatay ang TV at inalalayan siya tumayo.

"Ang bigat nito." Reklamo ko.

Pumasok si Ms. Balbuena at agad siya kinarga sa higaan.

"Ano naman?!"

"M-Ma ang TV."

"Patay ang TV."

"U-Umandar b-bago lang."

"Tigilan mo nga ako!"

Kitang kita ko ang takot sa mukha ni Ms. Balbuena.

"Hindi na nakakatawa Lee." She said while trying to keep her tantrums.

"Opo ma."

Agad lumingo-lingo si Ms. Balbuena at kaagad humanap ng pwesto sa higaan ng anak.

"Sige, matulog ka na." Pinatay na ni Ms. Balbuena ang ilaw.

Ah! Ang aga pa. Makanood nga ng Tonight With Boy Abunda.

"A-Anak. T-Totoo nga!"

HOPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon