Chapter 3 : With Him, Not With Him

549 15 3
                                    

(A/N: This is just a fanfiction. Get it? Don't be a bittermelon k? Ako lang may karapatan maging bittermelon cos ako ang writer ng story na ito hahaha. Sorry guys. Just want to make a story for my AshBoo. Just ignore this story if you don't want them. Thanks. )

After the taping for the Blind Auditions, 4 days din yun.. So it was quite tiring, but nevertheless, I like it ... No I love it cos it was with him. Ang saya ng bonding namin, madaming moments na namiss ko na nangyari ulit. Ang sweet ni Bamboo, at ang gwapo at ang galing pang kumanta. Halos lahat nasa kanya na... Maliban sakin. Oo , di pa official na sakanya na ako. Madami pang dapat i consider. At kung kelan man mangyayari yun. Hindi ko alam. Walang kasiguraduhan.

I was sleeping so soundly. I didn't notice na umalis pala sina Mommy. Yung kasambahay naman namin, nasa supermarket daw at namili. So mag-isa pala ako sa bahay. May note lang si Mommy na saglit lang naman daw yung maid namin at babalik din agad. So nag stay lang ako sa room ko.. Nakinig ng music... Nag senti-senti. Mabuti pa ang song, kahit ulit-ulitin mo, di nakakasawang pakinggan. Hugot na naman? Kapag ganitong mag-isa ako, madami kasing pumapasok sa isip ko eh. Yung totoo, madami nga ba o isa lang? Oo na sa dinami-dami ng iniisip ko, sakanya pa rin yung focus nito. Nakakainis na nga minsan. Pinagsasabihan ko naman ang puso ko, pinagagalitan ko pa nga. Kaso parang sutil talaga eh. Ayaw makinig. Nag bi-bingi-bingihan.

Tapos naisip ko si Matt. Naalala ko yung time na magka date kami. Bakit kelangan niyang isama yung writer ng Pep? Bakit kelangan niya na magpa picture with me sa harap ng madaming tao habang kumakain kami? Tapos hindi ko maintindihan kung bakit niya nasabi sa P.A niya na dapat kiligin ang fans namin. Tapos later on, nakapost na ang picture namin. Medyo nainis ako nun sakanya. Ano tingin niya sakin, pang display? Akala ko ba private lang relationship namin. Yun pala gusto niya pag-usapan kami. Di lang kasi once nangyari yun eh. Ilang beses na niya akong binabanggit sa interviews niya instead na magpromote siya ng sarili niya.. Ako ang ni po-promote niya. Hindi ko na nagugustuhan. Nasasaktan ako. Parang wala siyang pinagkaiba sa mga naunang ginawa yun. Pag tiningna nga, parang mas malala pa siya. Napapagalitan ako ni Mommy nang dahil sakanya.

"Sarah, ikaw na naman bukambibig ng Matteo na yan, ganyan ba talaga dapat? Interview niya, show niya, apektado pangalan mo? Ang galing naman, di nalalayo sa user ang itsura niya pag ganyan. Walang interview na di nababanggit name mo. At kung ano2x nalang sinasabi kiligin lang ang tao. Tinalo pa ang teen loveteams na nagsisimula palang sumikat at dinadaan sa kilig. Ayusin niya nga buhay niya. Wala na siyang ginawa kundi ang gamitin ang pangalan mo. Pinapalabas pa niya na patay na patay ka sakanya dahil ikaw daw tong selosa at akala mo naman nagkakandarapa ang mga babae sakanya. Ang yabang. Bakit mo ba nagustuhan yan anak, ha?"

"Mommy, tama na po. Hayaan na natin siya. Basta ako ayoko na magsalita. Ms okay kung mananahimik na lang ako."

"Kahit ginagamit na ang pangalan mo? Kahit lahat ng ginagawa niyo bilang magkasintahan, ikwento niya na lahat sa tao? Kahit wala naman ngang katotohanan basta may maikwento lang na pampakilig at para makapg promote lang siya ng sarili niya."

"Choice na naman po yun eh. Sinasabihan ko naman siya. Pero may sarili siyang gobyerno. Bahala siya. Nag-aaway na nga din po kamin ng dahil dun. Kasi iniisip niya na ikinakahiya ko siya. Di niya ako naiintindihan eh. Di naman yun ganun. Hayaan ko nalang daw siya. Kaya ayoko na po makipagtalo."

"Hay naku, yan na nga ba sinasabi ko. Hiwalayan mo na yan Sarah, madami pa jan. Anak, di maganda ang nakikita ko sa lalaking yan eh. Iba siya. Pag ginusto niya, gagawin niya. Hindi naman pwedeng ganun palagi. Dapat ikaw muna isipin at isaalang-alang niya bago ang sarili niya. Hindi na privacy ang tawag sa pag treat niya sa relationship niyo eh... Publicity na.Publicity niya. Wag mong sasabihin na hindi, dahil totoo na yun ang gusto niya anak. Yun ang nakikita ko. Obvious naman eh. Nawala yung privacy nang dumating siya. Mas nag focus kasi siya sa pagsikat niya... Na may sinasandalan. Wag mo ding sabihing hindi dahil totoo yun. "

Let It Go... Let It Be     (Be You And I'll Be Me...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon