Chapter 13 : See You Again

465 25 15
                                    


(Hello guys, this update is for you and me and all of the people and I don't know why I can't keep my eyes off of you. Hahaha. Pasensiya na po LSS of the week ko na yata ang song na yan. AshBoo kasing ito hehe. May hang over pa din kayo di ba? Aminin! Anyway, here is another update for you guys. Pasensiya na medyo napapadalas ang hopia natin kaya naghahanap ng mood para makapag update. Buti may AshBoo prod kahapon.hehe. So her we go. Fanfiction lang po)



This is the time when I have to set my priorities. He knows it. Kaya naman maswerte ako kasi napaka supportive niya. This week would be my last show for ASAP. Nakausap ko na ang manager ko, ang Viva, ang ABS-CBN... I am leaving. Itutuloy ko na ang pag-aaral ko. Doon muna ako sa Paris with my ate Shine.

Si mommy alam ko hanggang ngayon madami siyang hinanakit saakin. Di ko rin siya masisisi. Pero alam ko at umaasa ako na someday she'll understand me and would acept me again. Hindi na kami nagkakausap ng maayos. Madalas pag nag a-attempt akong makipag usap sakanya, matipid lang siyang nagsasalita then aalis na at may inaasikaso daw. Si daddy ang parati kong nakakausap. Nagpapasalamat nga ako at naiintindihan niya ang mga desisyon ko.

"So wala na talagang makakapigil sayo sa pagpunta mo ng Paris ganun ba yun Sars?"

"Oo Yeng."

"Hay... Ang daya mo naman. Si Rachelle sa US na palagi, ikaw naman sa Europe ka na. Ako nalang pala maiiwan dito."

"Ano ka ba... Babalik naman ako dito pag natapos ko na ang pag-aaral ko dun."

"Kelan pa yun? Masabihan nga si Yan na pupunta din kami ng Australia para tig-iisang continente na tayo."

"Ikaw talaga. Magkakasama din tayong ulit nina Shin. Madali lang naman ang panahon."

"Hmmm... Sabagay. Basta ingat ka dun ah, saka teka pano yung si Bamboo mo?"

"Wala, may U.S tour siya so dun naman siya this month. Then balik Pinas lang siya to continue his career."

"Ay... So magkakahiwalay kayo?"

"Wala namang problema yun Yenggay... Naiintindihan niya naman at supportive pa nga siya sakin."

"Sabagay. So after nyan ano na balak niyo?"

"Namin?"

"Oo ninyo. Hoy bilis-bilisan niyo baka wala nang AshBoo baby na mabuo nyan pag pinatagal niyo pa."

"Hoy Yenggay tumigil ka nga pag narinig tayo ng ASAP staff dito."

"Oh eh .. Okay... Sorry haha. Basta gusto ko na maging ninang ng AshBoo baby noh..."

"Ninang talaga. Sa tamang panahon. Wag muna di pa ako ready."

"Sabi mo eh... "

"Tara na pasok na tayo sa studio."

"Ay wag muna!"

"Ha? Bakit?"

"Ah kasi ano mamaya nalang... Ammm dito na muna tayo kasi ..."

"Bakit? May aswang ba sa loob? Ano?"

I just see her texting. Na parang natataranta. Ano ba ang nangyayari sa friend kong ito.

"Tara na pala Sars, okay na."

"Ha?"

"Pasok na tayo."

"Ang weird mo."

So we started with the rehearsals. Isa lang naman ang number ko eh. Kakantahin ko lang yung latest single ko sa The Great Unknown album ko... Yung TALA. Kasi double platinum na daw. I aa-ward din yata saakin yun ngayon. Then after that aalis na ako kasi nagpaalam ako na aasikasuhin ko pa ang pag-alis ko kinabukasan.

Let It Go... Let It Be     (Be You And I'll Be Me...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon