MLMH6*ANOTHER BULLSHIT
TIFFANY NICHOLE'S P.O.V
"Nic, hatid na kita." - pamimilit na sabi sakin ni Yuki, kulit talaga netong babaeng to.
"Mauna ka na." - Ako. Dadaan pa ako sa park.
"Umuwi ka kagad ha?" - Yuki. Daig pa sila Mama. =.="
"Oo, ingat sa pagmamaneho." - Ako. Hinidtay ko muna siyang lumiko sa may kantobago ako maglakad.
Tumingin ako sa wrist watch ko, mag 7 na pala. Dumaan muna ako sa Mini Stop, bumili ng Hotdog at Tanduay Ice. Mamaya na ako uuwi pag sigurado akong tulog na sila kuya.
Naglakad ako papuntang Park. Isa to sa lagi kong tinatambayan. Dito ako nakaakpagpahingan ng ayos na walang inaalala. Umupo ako sa isang bench, inubos ko muna yung binili kong Hotdog at T.Ice bago humiga at sinuot ko ang earphones ko.
After 20 minutes tumayo na ako. At pumunta sa talagang pupuntahan ko, pero bago yun, naglagay muna ako ng eyeliner.
"Tini?" - tumingin ako sa likod ko, at nakita ang matandang nasa 60's na. Lagi ko siyang nakikita dito.
"Tatay." - ako, sabay bless.
"Tagal mo ng hindi napunta dito ah, lalaro ka ngayon?" - Tatay.
"Matagal na nga po e. Ah opo. May kalaro na po ba kayo?" - ako. Magalang kasi ako. Sakanya lang. =.="
"Merona na e, umupo ka na lamang sa iyong bench baka may maglakas ng loob na kumalaban sayo." - Natatawang sabi ni Tatay.
"Tatang naman. Parang ang sinasabi niyo po ay walang gusting lumaban sakin." - Ako.
"Haha. Neng, wala ng gusting makadanas ng pagkatalo nang dahil sayo. Haha." Inalalayan ko si Tatay sa kanyang bench. Meron naghihintay sa kanyang nasa 40's na.
"Tatang. Handa na ba kayong matalo?" - Lalaki.
"Iho. Masyado kang mahangin, tara na't tayoy'y maglaro na." - Tatay. Napailing na lang ako. Kahit matanda na si tatay di man lang bumababa ang SELF CONFIDENCE niya.
Pumunta na ako sa bench ko. Lahat sila naglalaro na. Ano ba naman yan! Ako na lang ang wala. Ano ba meron at natatakot silang kalabanin ako? Yumuko ako sa lamesa.
*Sighs*
"Excuse me?" - parang narinig ko na ang boses nay un ha? -_______--++ san nga ba?
"What?" - sabi kong nakayuko pa din sa lamesa.
"Gusto mong maglaro?" - Siya. Bigla akong napatingin sakanya. Naka tshirt siya na fit. Kitang kita ang abs niya. Naka jeans na nakalakas pa lalo ng appeal niya/ naka close cap na nakalagay NY at shades. Gabi na naka shades pa? -_-may matangos na ilong at sexy-soft-looking-lips. LIPS?! Ano daw?! Aish! Ang hormones ko! Pakipulot. Nagkalat.
"Alin ang sayo?" - Tanong niya tapos umupo na sa tapat ko. Buti na lang mukhang hindi niya nakikita ang itsura ko.
"Head or Tail? Head is White, Tail is Black."- sabi ko na may hawak na sampung piso.
"Tail." Siya hindi ko na tinoss yung coin. Inabot ko sa kanya lahat ng black. "Bakit hindi mo tinoss yung coin?" nagtatakang tanong niya.
"Kaya mo pinili ang tail dahil gusto mo yung Black diba?" - ako, sabay ayos ng bishop ko.
"Paano mo nalaman?" siya, habang inaayos ang kanyang Pawns. Weird feelings.
BINABASA MO ANG
Heirein Prime: The Legends
Teen FictionTitle before: My Love, My Hero UNDERCONSTRUCTION • ON HOLD Start: 2012