Chapter 18

31 0 0
                                    

Someone's P.O.V

"Kasi...." sabi ni King ng HP. Kahit kelan talaga panira siya sa plano ng Black Dragons.

"Hi guys. Nandito pala kayo." Bati ko na may malapad pero pekeng ngiti sa mukha.

"Hi Fritzie." Sino ba to? Bwisit! Sino siya?! Hindi ko kilala. Dito yata ako nabibisto.

"Hello." Bukod tangi kong sinabi. Nakaramdam ako na parang may masamang nakatingin sakin. Tinignan ko. Hindi ako nagkakamali. Siya nga. Alam na niya sikreto ko. Sana wag niya sabihin sa mga kagrupo niya.

"Nathan. Ano ba? Bakit ang sama ng tingin mo sakanya?" Sabi ni Tiffany.  Ang hirap naman ng pinagawa ni Boss. Bakit kailangan ko pang gayahin mukha ng kapatid nila Tiffany.

"Nothing Tiffany. Ang ganda na kasi ng kapatid mo." Lumapit siya sakin sabay akbay. Lalo na nung nakita ko yung nasa likod niya. Sabay ngisi.

Kinakabahan ako. Masyado yatang maaga para mabisto ako. Masyado pang maaga. Hindi ko pa nagagawa misyon ko na sirain ang grupo nila.

"May gusto ka ba sa kapatid namin? Paano na si Yuki?" Sabi nung singkit. Kuya ko yata yun.

"HAHAHAHAHAHAHAHA. TF? Wala akong gusto sa kapatid mo. W-A-L-A. Nababaliw ka na ba James?" Sagot niya. "Atsaka. Wala na kami ni Yuki." Nagulat sila. Pwede pala yun. Mag syota sa grupo nila.

"Ah. Eh. Excuse lang. Matutulog na ako." Sabi ko, nagvibrate kasi phone ko. Si Boss to. Kailangan kasi iupdate ko siya lagi. Bago ako pumasok sa kwarto ko may binulong pa si "King".

"Be careful. Soon ibubulgar ko kung sino ka talaga. Sa ngayon, hahayaan kita. Pag nalaman kong kabilang ka sa grupo na yun. Papatayin kita. Kahit babae ka pa."

Hindi na ako natakot. Muntik na ako mapatay ng isa sa kanila noon. Sa isang car racing event. Dahil nagkapikunan nauwi sa away.

*Krriinng Krriingg*

"Hello Boss....."

"Ano na? May nasagap ka na ba diyan? Codes? Ano?"

"Hindi sila naka-mask ngayon. Tahimik sila. Hindi sila nagtatawagan sa code names nila Boss."

"Bobo ka talaga!!!"

"Bakit Boss?" Nailayo ko yung phone sa tenga ko.

"Asdfghjkl!!!!!!" Ano daw? "Akin na yan!"

"Oh. Aliyah. Bakit?"

"Wag kang tanga. Please lang. Naka-pila ba sila nung bumaba ka?" Si Aliyah. Naging kaibigan nila. Pero nabisto sa bandang huli.

"Oo. Bakit?" Magsasalita sana ulit ako. Pero may umagaw sa phone ko.

"Sino kausap mo? Akala ko ba matutulog ka na?" Sabi ng lalaking matangkad na maputi na singkit.

"Sino ka?" "Hey. Still there?" Narinig ko si Aliyah kasabay ng pagsalita ko. Nakita kong in-end call na niya.

"Shit. Nagka-amnesia ka ba? Bakit hindi mo na ako kilala?" Sabi niya na walang expression ang mukha.

Napatingin ako sa may pulso niya. Pero tinago niya.

"Ikaw ba talaga si Angelica? Sino kausap mo sa phone? Bakit sinabi mo sa kausap mo na wala kaming suot na mask? Sino ka? Ha?" Sunod sunod niyang tanong. Bigla niya ako hinawakan sa mukha ng madiin. "Malaman ko lang na hindi ikaw si Angelica. You'll see."

"IVAN! ANO GINAGAWA MO?!" Ivan pala siya. Pero hindi pa din niya binibitawan mukha ko. "Dude. Babae yan."

"I DON'T CARE BRUH!" Pasigaw niyang sabi. "THIS GIRL IS-----"

"IVAN! LIAM! Uuwi na tayo!" Save by the bitch.

"Magkikita pa tayo, Angelica. Malalaman ko kung sino ka ba talaga. At kapag nalaman to ng grupo, sa tingin mo ba makakalabas ka pa ng buhay sa bahay na to? Magdasal ka na. Kung marunong ka." Pahabol niya at lumabas ng nakapamulsa. Hihiga na sana ako pero may nakita akong nakatayo sa may pintuan. Yung Liam yata.

"Pray before you sleep. Maybe this is your last night on earth."

♛Meanietwiinpop♛

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heirein Prime: The LegendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon